PSL: ESCAPE ACT NG DAVAO OCC. COCOLIFE TIGERS KONTRA SAN JUAN, 75-73
ITINODO ng Davao Occidental Cocolife Tigers ang buong lakas nito upang masiguro ang panalo kontra powerhouse San Juan Kings sa pagpapatuloy ng Pilipinas Super League (PSL) President’s Cup quarterfinal round kamakailan sa San Juan Gymnasium, San Juan City .
SPORTS
Danny Simon
3/5/20241 min read


ITINODO ng Davao Occidental Cocolife Tigers ang buong lakas nito upang masiguro ang panalo kontra powerhouse San Juan Kings sa pagpapatuloy ng Pilipinas Super League (PSL) President’s Cup quarterfinal round kamakailan sa San Juan Gymnasium, San Juan City.
Naging mahigpitan ang laban sa unang yugto pa lang kung saan ay ayaw pasapaw ng magkabilang panig pero nagsimulang dumistansiya ang Davaoenos sa ikalawang yugto sa pangunguna nina Kelly Nabong, Bambam Gamalinda, Bonbon Custodio, Justin Sanchez at Bert Lojera.
Umalagwa pa ang Tigers ng Bautista clan na suportado nina Cocolife president Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at SVP Elmore Omelas, sa ikatlong yugto sa pag-poste ng double digit na kalamangan 46-36 sa perimeter ni Gamalinda sa kaagahan ng 3rd. Doon nagbaga ang mainit na kamay nina San Juan shooters Nico Panganiban, Aljon Miranda, Arlan Wamar upang idikit ang laban 72-73 sa krusyal na sandali ng final period.
Na-foul ng San Juan si Nabong sa huling 3 segundo upang isalpak ang winning margin ng Davao Occidental Tigers Cocolife at putulin ang 9 - game winning streak ng San Juan.
" Close shave. Credit this victory to our Tigers. They showed composure ang maturity ang never gave up. A win is still a win", wika ni team manager Arvin Bonleon.
Ang Davao Occidental Cocolife Tigers ay may winning tradition bilang kampeon ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) '22 at Pilipinas Super League( PSL) '23 .
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato