PTV 4 at SBA nagpirmahan ng kasunduan.... PH OPEN 2025 MINA NG TALENTO SA SBA S2

Arangkada na ng marubdob na programang magiging instrumental sa pagsulong at pagyabong ng larangan ng billiards sa bansa.

SPORTS

Menchie Salazar

4/11/20251 min read

Arangkada na ng marubdob na programang magiging instrumental sa pagsulong at pagyabong ng larangan ng billiards sa bansa.

Idinetalye ng pamunuan ng Sharks Billiards Association( SBA) ang pinaka-epektibong hakbang sa pagdiskubre ng talento para sa SBA Season2 at kung paano aangat pa ang billiards bilang mainstream sport.

" It's an overview of PH Open 2025 as the main scouting event for SBA S2 teams.Bukas ang torneo para sa professional at amateur nating bilyarista sa bansa at layon ding makatulong sa NSA ng billiards sa pagbuò ng national team na saabak sa international competitions tulad ng SEAGames, Asiad at World tilts", wika ni SBA founder/ Commissioner Hadley Mariano sa presscon na ginanap kahapon sa Sharks Arena and Sports Bar sa Morato, Quezon City.

Dumalo sa naturang press conference at MoA signing sa pagitan ng PTV 4 at SBA, sina Games and Amusement Board Chairman Francisco Rivera,Oscar Orbos- chairperson BOD designated OIC PTV Network General Manager, Adrian Oquindo -Cuehub owner at team owners ng SBA S2.

MoA signing sa pagitan ng PTV 4 at SBA saksi ang GAB. (Menchie Salazar)

Si SBA founder/ Commissioner Hadley Mariano kasama sina PTV OIC GM Oscar Orbos, GAB chairman Atty. Francisco Rivera sa media launch ng PH Open 2025 sa Sharks Sports QC kahapon.(M. Salazar)