IN GOD WE TRUST
PUGAY KINA PKF PREXY LIM, PSC AT POC
SAKTO sa ating bakasyon,nakober ng inyong Sports Hub Ang historic hosting ng Karate One Youth League Manila 2026 nitong May 14-17 na nilahukan ng nasa higit 50 bansa.
SPORTS
By Abby Pamplona
5/16/20261 min read


SAKTO sa ating bakasyon,nakober ng inyong Sports Hub Ang historic hosting ng Karate One Youth League Manila 2026 nitong May 14-17 na nilahukan ng nasa higit 50 bansa.
Isang pambihirang at prestihiyosong pagkakataon para sa isang bansa ang makapag- host ng isang torneo mundial lalo na sa isang third world country tulad ng Pilipinas.
Pero nagawa ng punong- abalang PKF sa pamumuno ni Pres.Richard Lim sa basbas ng World Karate Federation na maging MATAGUMPAY ang 4 na araw na bakbakan ng mga pinakamagagaling na karatekas sa mundo dahil na rin sa pagtutulungan ng lahat ng konsernado tulad ng Philippine Sports Commission sa liderato ni chairman Pato Gregorio,Philippine Olympic Committee ni Pres BAMBOL Tolentino,DoT, at iba pa sa pribadong sektor at of course kina Senator Pia Cayetano at Senator Bong Go na pawang sports enthusiasts.
Lahat ng mga na interview ng Sports Hub na karatekas mula Australia, US,Europe ,mga 'istan countries,Asian at Middle East nations ay saludo at paghanga Ang kanilang nasasabi sa hosting na idinaos sa MoA Arena na nasa tungki lang ng ilong ng Mall of Asia.
Hats off tayo sa opening ceremony na pinagsamang Pinoy cultural show at paepek ng laser lights na pinalakpakan ng mga dayuhan.
Ang Karate One Youth League Manila 2026 ay dominado ng mga dayuhan pero Isang panggising sa ating sports community na ang larangan ng Karate ay tugma para sa Pilipino na dapat nilang patunayan na ang palakasan sa Pilipinas ay di lamang basketball...SAKTO!
Shoutout: Special mention sa mga maaasahang crews ng PSC na nangalaga ng smooth na sistema ng Isang world class hosting. Kudos to Enzo Gregana diyan sa Press Center.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
