PWD Runners ng MILO Nat'l Marathon Manila leg..PAGTAKBO SA MILO, ALWAYS PANALO!
BUONG kagalakan ang naramdaman ng magkaklaseng kabilang sa Persons with Disabilities (PwD's) division na lumahok at tumapos sa special short distance run lalo't hawak nila ang kanilang certificate na finisher ng ng karerang laan para sa mga kumaripas na may kapansanan sa lumargang The National Milo Marathon Manila leg kahapon sa Mall of Asia Ground sa Pasay City.
SPORTS
Abbe Pamplona
3/2/20251 min read


BUONG kagalakan ang naramdaman ng magkaklaseng kabilang sa Persons with Disabilities(PwD's) division na lumahok at tumapos sa special short distance run lalo't hawak nila ang kanilang certificate na finisher ng ng karerang laan para sa mga kumaripas na may kapansanan sa lumargang The National Milo Marathon Manila leg kahapon sa Mall of Asia Ground sa Pasay City.
"Di man po nagwagi ay masaya na kami dahil ang makasali lang sa prestigious na MILO ay always panalo!",pahayag sa pamamagitan ng sign language nina Kdrew Samson at Mhigz Medrano, kapwa estudyante ng Philippine Deaf College Pasay sa interpretasyon ni teacher Aliyah Reese Fernando." Di man po namin naririnig ang hiyawan, tambol, musika at pag-anunsiyo ng panalo ay nakikita naman namin ang saya sa mukha, walang bakas ng
pagod ang mga lumahok dito sa The National MILO Marathon kabilang na po kami", anila habang ipinagmamalaki ang kanilang finishers' certificate.
Partisipante rin sa naturang qualifying event ng national finals sa Disyembre ng taon ang mga competetive, fun at fitness runners, indeginous at persons with disabilities
Ang National MILO Marathon na may 25 yugto sa mga lungsod at bayan ng Pilipinas ngayong 2025 ay may temang ìpinaabot sa lahat ng entusyastiko ni MILO Head of Sports Carlo Sampan."MILO remains steadfast in it's mission to make sports accessible, inclusive and impactful through The National Milo Marathon.We are also empowering children nationwide to dream bigger, aim higher and achieve more" aniya.
Namayagpag sa tampok na 21k men ang women's division sina Ritchie Estampador ng La Castellana, Negros Ooccidental na may winnning time na1:1018 at Maricar Camacho mula Cavite na nagsumite ng waging tiyempo na 1:32:16.
Feeling wìnners sa pamamagitan ng sign language sina PwD runners Kdrew Samson at Mhigz Medrano matapos tapusin ang special short race para sa kanìlang hanay sa lumarga kahapong The National Milo Marathon Manila leg sa MoA ground, Pasay City.(Kuha ni Abbe Pamplona)
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato