PYD at Xavier School.. NAG -ALA SANTA SA MGA BATANG BASKETBOLISTA
APAW ang kagalakan at ngitp ng mga batang basketbolista na tinaguriang future ng Pinoy basketball sa mga Pamaskong handog na inihanda ng Philippine Youth Dreamers Organization katuwang ang Xavier School San Juan High School Basketball Team. Ang isang araw na Christmas outreach program ng dalawang organizations ay idinaos nitong weekend Disyembre 21 sa covered court na matatagpuan sa Salongga Street, Brgy. Bagong Ilog, Pasig City.
SPORTS
12/25/20242 min read


APAW ang kagalakan at ngiti ng mga batang basketbolista na tinaguriang future ng Pinoy basketball sa mga Pamaskong handog na inihanda ng Philippine Youth Dreamers Organization katuwang ang Xavier School San Juan High School Basketball Team.
Ang isang araw na Christmas outreach program ng dalawang organizations ay idinaos nitong weekend Disyembre 21 sa covered court na matatagpuan sa Salongga Street, Brgy. Bagong Ilog, Pasig City.
Bukod sa mga basketball clinics at lessons na ibinahagi ng coaches ng PYD at players ng Xavier School, namigay naman ng regalong noche buena packages, tumblers, fried chicken at juice drinks ang mga nanguna sa outreach para sa mga batang taga-Bagong Ilog.
"Unang-una nagpapasalamat po ako sa mga parents ng players at trainers ng Xavier School Basketball Team na nagkaroon ng collaboration ng PYD Cares para sa outreach program. Nagbigay ng konting kasiyahan at turo, may fun games at free throw shooting kung saan nabigyan ng awards and we make sure na magkaroon sila ng free meals para maiuwi sila masaya at magkaroon ng engagement na maging players someday.", pahayag ni PYD Founder Coach Beaujing Acot.
Sa panig naman ng Barangay Bagong Ilog SK Chairperson Jessie Padit, ikinatuwa nito ang presensya ng PYD at Xavier School para ibahagi ang kaalaman nito sa basketball at magbigay ng konting saya sa mga bata.
"Salamat po sa PYD at Xavier, parang Christmas bonus sa kanila to kasi buong taon, yung mga bata na nageensayo sa court namin para maibawi nila ang kanilang hard work at inspiration nila para mahalin nila ang larong basketball na nagbunga na.", sinabi ni Padit.
Nais rin niya na magkaroon ng long-lasting impact ang nasabing clinic at outreach program sa mga batang basketbolista maging sa kabuuan ng grassroots initiatives ng barangay kung saan nakafocus din ito sa volleyball at esports maging sa Muaythai kung saan nakapaguwi ng mga medalya ang mga batang atleta sa Batang Pinoy sa Palawan at sa MAP National Muaythai Championships sa kaparehong lungsod.
Sa huli, nais ni Coach Beaujing na bumalik muli sa nasabing court para naman sa planong pagkakaroon ng libreng paliga at major improvements sa court sa tulong ngppppp PYD at ang mga sponsors at benefactors nito.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato