IN GOD WE TRUST
QUEZON CITY POLITICS
Iba ang local politics kaysa sa national. Iba ang local issues at iba rin ang dynamics. Kadalasan ay magka alyado sa local pero iba ang mga dalang national candidates.
OPINION
ATTY ARIEL INTON
10/17/20261 min read


Iba ang local politics kaysa sa national. Iba ang local issues at iba rin ang dynamics. Kadalasan ay magka alyado sa local pero iba ang mga dalang national candidates. Marami rin na tanggap ng mga nasasakupan na magkakamaganak magkaticket (halimbawa: husband para mayor, wife para vice mayor, anak para congressman, kapatid para konsehal) O kaya magkakalaban .
Sa QUEZON CITY ay hindi pa nangyayari na ang mayor at vice mayor na magkaticket ay magkamag-anak. Maaring may ka-ticket na Cong o Councilor. Pero never na sa isang pamilya lang galing ang mayor at vice mayor.
Sa mga maagang umiikot ay tila mangyayari ito. Pero magkalaban na ticket. Bakit hindi na lang magsama kung tanggap naman ng marami?
Sa mga napapabalitang tatakbong mayor at vice mayor ay FAMILIAR NAMES ang lumalabas. Pero dahil maaga pa ay maaring madagdagan pa ng iba na tatakbong mayor at iba pa.
May mga napapabalitang dalawa sa mga kasalukuyang Congressmen ay kakandidatong mayor.
Maganda naman na may mapapagpiliang iba kaysa puro na lang sila. Ano ang kanilang paninindigan sa mga issues at ano ang plano nila para sa Quezon city. Hindi lang sa social media ang labanan kung hindi sa katototohanan.
Matagal pa naman ang halalan. Kung meroon man.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
