Racasa, salang sa TOPS ‘Usapang Sports’

Talasan ng isip ang bibigyan ng kahalagahan sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes sa Philippine Sports Commission (PSC) Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC).

SPORTS

3/26/20251 min read

Talasan ng isip ang bibigyan ng kahalagahan sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes sa Philippine Sports Commission (PSC) Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC).

Ipapahayag ni Roberto Recasa, tinaguriang ‘Godfather of Memory Sports,’ ang nakatakdang Battle of Calendrical Savants na gaganapin sa Eurotel/Vivaldi Tower sa EDSA Cubao, sa programa ganap na 10:30 ng umaga sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Makakasama ni Racasa ang ilang atleta na sasabak sa tournament kabilang ang anak at National chess master na si Antonella Racasa.

Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo ng Pilipino Star Ngayon (PSN) ang mga opisyal at miyembro na makiisa sa talakayan na mapapanood din sa opisyal facebook page na TOPS Usapang Sports at Bulgar Sports FB Channel.