Raven Sikaran - Tanay Best Bets... IDEDEPENSA ANG TITULO NG NAT'L OPEN C'SHIP KALIBO, AKLAN

HANDA na ang lahat ng sistema para sa. pagdepensa ng prestihiyosong korona ng sasambulat na Sikaran National Open Championship na sisipa sa Hunyo 7,2025 sa Kalibo, Aklan.

SPORTS

Danny Simon

5/24/20251 min read

HANDA na ang lahat ng sistema para sa. pagdepensa ng prestihiyosong korona ng sasambulat na Sikaran National Open Championship na sisipa sa Hunyo 7, 2025 sa Kalibo, Aklan.

Ayon kay GSF Raven Sikaran Tanay Founder/ President Master Crisanto Cuevas, buo na ang line- up ng itinuturing na best bets ng Tanay sa misyong mapanatili ang korona na napanalunan nila nitong nakaraang taon.

Binubuo ng powerhouse Raven Sikaran Tanay team nina; (White Belt) Reynavel Regala, Yhumi Ianna Luklukan, Haley Zendria Canonigo, Kenzo Lucas Canonigo, Lord Brix Campo, Sheena Persia, Mhajo Custodio, Daniel Jacob Buenaventura, Argie Angeles ,Zeuz Ivadz Matienzo, Vhieniz Ivadz Matienzo at Vienuz Ivadz Matienzo.

Pinangungunahanang Black Belt category nina Sannoel Celestino, Jonel Catolos, Tyron Reyes at Jhessele Mae Tarel.

"Mensahe ko lang sa ating pambatong Sikaran martial artists na sasabak sa Aklan, just do your best with fulł dedication,and remember, ang konsepto ng paglahok natin ay huwag kalimutan ang kapatiran in and outside the venue to bring home medals and retain our title to continue our winning tradition", pahayag ng bagong awardee ng Gilas Parangal 2025 na si Master Cuevas.

Head of the delegation si Team Tanay secretary Nicole Catolos at ang misyon ng koponan ay suportado ng Tanjuatcos ng lalawigan ng Rizal at bayan ng Tanay, Gng. Maria Theresa C. Cuevas at bagong halal na Tanay SB Councilor Roger Catolos.