Ready na sa City League at Sinag Liga Asya.. TROPANG SEALIONS NI LARON PINAG- CHAMPION ANG GINEBRA LANCASTER
KUMUBRA ng unang kampeonato ang Ginebra/Lancaster team sa nagtapos kamakalawang Classic Cup sa Cavite.
SPORTS
DAS
6/26/20251 min read


KUMUBRA ng unang kampeonato ang Ginebra/ Lancaster team sa nagtapos kamakalawang Classic Cup sa Cavite.
Ang kampeonato ng Sealioñs' Cavite Ginebra Lancaster ay binubuo ng mga loyal players at tropang Sealions ni team owner Laron na sina Oliver Villareal, Jof Gonzales , Randel Reducto, Charles Moscos, Jerome Dela Roca ,Leonardo Lockey ,Paul Gonzalgo, Junatas at Jun Panares.
Ayon kay Laron matagal ng hinahangad na mag champion ng koponan Ginebra Lancaster sa Classic Cup ngunit lagi nitong nakaka tunggali ang Tropang Sealions kayat minabuti ni Laron na palaruin ang at pahiramin tropang Sealions kung kaya nawalis nila ang ikapaat na kampeonato ng tropang reinforced Sealions.
Ayon kay Sealions player/ team owner Laron,sa nasabing paliga ay hindi pa nakakalasap ng pagkabigo mula nang lumahok sa ligang Classic Cup.
"Masaya ako dahil ang ating mga loyal na tropa ay nanatili lumalaro sa ating grupo mula pa nuong 2009 hanggang ngayon at nakakapag - bigay ng kampeonato sa tropang koponan,"wika ni Laron. Tinanghal na finals MVP si Sealion Jof Gonzales
Dahil sa kampeonato muling mag bubuo at lalahok ang tropang Sealions ni Laron sa darating na 28 June 2025 sa City League na gaganapin sa Venue Cubao,Met Park at sa Mandaluyong City.. Ngunit ang ibubuo nya at ang kanyang mga kababata na mga taga commonwealth QC na nagkaka edad ng 40 pataas para na din sa pag hahanda sa nalalapit na sinag lakas kwarenta sa darating na Julyo.
Ayon kay laron madadagdagan o kanyang susubukan ang kanyang mga kababata sa the City League at isasabak nito sa sinag liga kung saan magiging katulong ng kanyang mga dati manlalaro sa sinag kung saan nakapasok at lumaban ng finals. Mananatili ang tropang sealions sina Dela roca,Moscoso,Ting,Cabrera,Navalta,Reducto,Ducog,sorisantos ,at ang kanyang kumpareng si Richie melencio. Kung saan mapapanood na ng lìve ang Sinag Liga Asya sa PTV sports.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato