IN GOD WE TRUST

Record-breaking cyclist na si Zedric Ivan Honorica SUPORTADO NG FOODPANDA

NAGKALOOB ng opisyal na suporta angFOODPANDA kay rising Filipino cyclist Zedric Ivan Honorica, isang dating Ka-panda rider at working student na nagtala ng 10.865 segundo sa men’s elite flying 200-meter sprint upang magtakda ng bagong Philippine record at mabasag ang 20 taong marka sa nasabing event.

SPORTS

5/11/20262 min read

NAGKALOOB ng opisyal na suporta ang FOODPANDA kay rising Filipino cyclist Zedric Ivan Honorica, isang dating Ka-panda rider at working student na nagtala ng 10.865 segundo sa men’s elite flying 200-meter sprint upang magtakda ng bagong Philippine record at mabasag ang 20 taong marka sa nasabing event.

Mas naging kahanga-hanga ang kanyang tagumpay dahil nakamit niya ito gamit lamang ang simpleng bike setup, malayo sa mamahaling kagamitan na ginagamit ng karamihan sa kanyang international competitors. Ginamit ni Honorica ang kanyang kinita bilang delivery rider upang i-upgrade ang kanyang bisikleta—ang parehong bike na kanyang ginamit upang makapagtala ng bagong pambansang rekord.

Matapos ang kanyang breakout performance, agad na nakipag-ugnayan ang foodpanda upang magbigay ng suporta para sa kanyang training at competitive journey, bilang bahagi ng layunin nitong suportahan at bigyan ng oportunidad ang kanilang riders kahit lampas sa delivery platform. Kabilang sa support package ang financial assistance, isang taong supply ng groceries mula sa pandamart, pati na cycling gear at equipment upang mas makapag-focus siya sa training at mga susunod na kompetisyon.

“Zedric’s story is a powerful example of the talent and determination within our rider community. At foodpanda, we create opportunities for our Ka-panda riders to go beyond the road and pursue what matters most.” Sambit ni Patricia Jacinto, Growth and Marketing Director at foodpanda Philippines. “We’re excited for what more he can accomplish with upgraded equipment and continuous training.”

Matapos ang kanyang breakthrough performance, nakatuon ngayon si Honorica sa paghahanda para sa international competitions at target na makapag-uwi ng mga medalya.

“Hindi madali ang pagiging working student-athlete kaya malaking bagay ang suportang ito. Natutuwa ako na pinahahalagahan ng foodpanda ang mga riders na may mas malalaking pangarap din. Malaking tulong ito para mas makapag-focus ako sa training at maibigay ang aking best sa mga darating na kompetisyon,” pahayag ni Honorica.

Nakatakda siyang sumali sa mas marami pang road races bilang bahagi ng kanyang paghahanda, habang target niyang muling makapag-representa sa Pilipinas sa international competitions, kabilang ang Southeast Asian Games.(DAS)

(L–R) Sina Lew Lopez, Director of Public Affairs & Public Relations; Patricia Jacinto, Director of Growth and Marketing; Zedric Honorica; Leopoldo Jr. De Castro, Finance Director; at Andalib Hasan, Director of Logistics.

Nakikipag-usap si Honorica sa mga executives ng foodpanda sa isinagawang sponsorship meeting.