RECORD - BREAKING TAKBO ANG BASHER NANG MAKITA SI FLM

KUNG sa lehitimong track oval inorasan ang takbo ng basher ng sikat na social media personality at tanyag na humanitarian champion na si Francis Leo Marcos ay basag ang kasalukuyang rekord sa 100- meter dash ng takbuhan.

OPINION

Danny Simon

5/4/20242 min read

KUNG sa lehitimong track oval inorasan ang takbo ng basher ng sikat na social media personality at tanyag na humanitarian champion na si Francis Leo Marcos ay basag ang kasalukuyang rekord sa 100- meter dash ng takbuhan.

Sa pahayag ni FLM sa kanyang social media platform kamakalawa, patungo ang tinaguriang pandemic hero sa kanyang naka-schedule na meeting nang di akalaing maispatan niya ang isa sa kanyang masugid na basher sa di kalayuan sa kanyang kinaroroonan.

Lihim siyang natuwa at nagtitiim - bagang habang papalapit sa kanyang kilalang basher dahil sa wakas ay magagawa na niya ang kanyang mga sinasabing kapag nakakita siya saan mang lugar ng mga laging naninira sa kanya kapag siya ay naka- live sa FB o YouTube ay sasakotehin sila upang bunutan ng tutsang sa ilong at buhok sa kilikili para ipasubo sa matabil nilang bunganga nang harap-harapan sa maraming tao na makakasaksi sa mga balahurang bashers ni FLM.

Pero simbilis ng pakiramdam at reflexes, namataan din ng basher ang papalapit na batang Marcos kaya mabilis pa sa alas -kuwatro ay kumaripas ito nang takbo patakas na kung oorasan ay basag ang 100- meter dash record na 9.8 seconds dahil sa takot na malambat siya ng umuusok na si FLM.

“Karipas sa takbo eh.Sa sobrang takot na matitikman nila ang lagi kong sinasabi sa tuwing mamba- bash sila sa aking live sa FB at YouTube.Ayaw nilang makain ang sariling tutsang sa ilong at buhok sa kilikili.Ang lalakas ng loob sa socmed pero ayaw namang magpakilala . Pero kahit anong palit ng identitiy ay kilala ko mga hinayu..k na yan, malalambat ko rin sila!”, pahayag ni Dr . Francis Leo Antonio Marcos PhD De Hum Honoris Causa.

Sinabi pa ni Apo Leo na kahit anong balatkayo ng mga basher nito ay kilala niya ang likaw ng estilo nila dahil sila ay nakasama niya noon na nakinabang, nagsamantala sa kanyang yaman at iniwan siya nang siya ay makulong na sila rin ang dahilan.

“Konti lang naman silang mga basang - sisiw na naging basher dahil milyones ang nanatiling naniniwala at nagmalasakit sa inyong lingkod”, ani pa Marcos.

Di naman niya aniya pinapatulan ang iilang bashers sa himpapawid huwag lang aniya silang mag-krus ng landas dahil gagawin niya talaga ang pakainin sila ng buhok sa harap ng maraming tao para makilala ang mga taong walang magawa sa mundo kundi kasamaan...mismo! ABANGAN!