REKOGNISYON IGAGAWAD NG DELANO GOV'T SA PINOY GLOBAL SIKARAN FEDERATION NBA HALFTIME PERFORMERS
ANG pagpapakitang-gilas ng mga Filipino Global Sikaran Federation (GSF) sa Chase Center na tahanan ng Golden State Warriors team ng NBA ay isang pambihirang oportunidad partikular sa mga Asyano kaya umani ito ng papuri sa buong mundo at kamakailan ay kinilala ang husay ng lahing Pinoy ng Pamahalaang Lungsod ng Delano sa California, USA upang gawaran ng kaukulang pagkilala ngayong buwan ng Disyembre.
SPORTS
Danny Simon
12/16/20231 min read

Sa pagsisikap ni GSF founder /president Grandmaster Hari Osias Catolos Banaag, di lamang minsan kundi dalawang beses (back -to- back season:' '22 & '23) naipakita ng Pinoy Sikaran ang husay sa Chase Center at sa buong mundo.

Ang tropang GSF sa timon ni GM Osias kaagapay si GSF secgen Master Crisanto Cuevas ng Raven Sikaran ay magko - courtesy call sa liderato ng Lungsod Delano upang tanggapin ang kanilang kaukulang rekognisyon na dangal ng sambayanang Pilipino.
"Sa December 18, 2023 Dadalo ang ating Global Sikaran sa City Hall ng Delano para i-recognize ang Achievements ng Global Sikaran Federation sa pagpapakita ng kakayanan at talento noong nakaraang November 18, 2023 sa Chase Center San Francisco Halftime ng bakbakan ng Golden States Warriors at Thunders ng Oklahoma kaalinsabay sa pagdiriwang ng Filipino Cultural Heritage ng San Francisco, California na isang napakalaking karangalan ang achievement ng GSF sa City of Delano! ",wika ni GM Banaag.
Ang naturang pagkilala ay hinangaan din ng International Council of Traditional Sports and Games( ICTSG) ng Unesco partikular nina Japan ICTSG executives Baba Yuko at journalist/ J-ICTSG official Tetsuya Tsuda.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato