Religion and Sports

Alam mo ba na sa Olympics Charter may Rule 50 na nagsasaad prohibited ang any type of religious expression?

SPORTS

Atty. Ariel Inton

9/28/20241 min read

Alam mo ba na sa Olympics Charter may Rule 50 na nagsasaad prohibited ang any type of religious expression? Pero malaking issue sa mga Christian athletes ang di umano pambabastos sa Last Supper ng Panginoong Jesus at kanyang mga apostoles noong opening ng Paris Olympics. Ganoon pa man marami pa ring atleta na nagpakita ng kanilang paniniwala at sampalataya.

Si Brazilian gymnast Rebecca Andrade ng nanalo ng gold sa womens floor finals ay nagpahayag:

This medal was not because I asked God for a medal, He gave me the opportunity to win it.

Si Serbian tennis player Novak Djokovic na gold medal winner ay laging suot ang cross na kwintas niya at ng nanalo ay nagsabi I thank God for giving me his mercy for giving me this blessing and this opportunity.

Si Brazilian skateboarder Rayssa Leal ng nanalo ng bronze ay nag sign language siya habang nasa podium na Jesus is the Way, the Truth and the Life.

Si South African swimmer Tatjana Schoenmaker ay nakasuot ng tshirt God, Jesus and the Holy Spirit.

Si Pakistani Arshad Nadeem pagkatapos manalo ng gold medal at pinasalamatan si Allah.

Ang ating mga Filipino athletes din ay nagpakita ng kanilang paniniwala sa Diyos tulad nila double gold winner gymnast Caloy Yulo, bronze medalists boxers Nesthy Petecio at Aira Villegas.

Kahit hindi sa Olympics ay maraming atleta na bago ang laban at pagkatapos ay makikita mong nagdarasal tulad ni Manny Pacquiao.

Sports is a gift from God. Kaya naman dapat ay hindi mahaluan ng kasamaan tulad ng pag bebenta ng laro, drugs, corruption o ano mang masasamang bagay na makakasira sa atleta at mga sumusubaybay dito.

( Salamat sa Catholic News Agency sa ilang bahagi ng column na ito).