Remogat bida ng Red Warriors sa paglusob sa FEU Tams, 87-86

Hindi nasayang ang season-high outing ni Noy Remogat, matapos pamunuan ang University of the East sa 87-86 overtime win laban sa Far Eastern University para manatili sa kasagsagan ng UAAP Season 86 Men's Basketball Final Four race Linggo sa SM Mall of Asia Arena.

UAAP

11/6/20232 min read

Hindi nasayang ang season-high outing ni Noy Remogat, matapos pamunuan ang University of the East sa 87-86 overtime win laban sa Far Eastern University para manatili sa kasagsagan ng UAAP Season 86 Men's Basketball Final Four race Linggo sa SM Mall of Asia Arena.

Bumasag si Remogat ng 34 puntos, para muling isulat ang sarili niyang season-best outing na 27 puntos na tinarak niya noong Oktubre 15 sa 56-72 pagkatalo sa Adamson.

Ang 20-anyos na Caviteño guard din ang naging unang Red Warrior na umiskor ng 30-plus points sa isang laro mula nang pumukol si Alvin Pasaol ng 32 sa 66-80 na pagkatalo sa University of Santo Tomas noong Oktubre 6, 2018 noong Season 81.

Higit sa lahat para sa sophomore guard, natutuwa siyang dalhin ang season-hosts sa 4-6 record, tinali ang Ateneo sa ikalima at isang laro lamang sa likod ng fourth-running Adamson.

“Sobrang blessed kami, yung team namin, na nagawa namin yung dapat ipagawa ni Coach Jack (Santiago) at yung coaching staff,” saad Remogat, na kumagat din ng walong assists, anim na rebounds, at tatlong steals sa panalo. “Sobrang natutuwa lang kami na, yun nga, buhay pa kami sa pwede pa makapasok sa Final Four. Siguro yung panalo namin last game and this game, makakatulong sa amin maipanalo yung susunod na games.”

Bumuhol ang laro sa 77-all sa nalalabing 2:55, si Remogat, kasama sina Allen Maglupay, Precious Momowei, Jack Cruz-Dumont, at Wello Lingolingo, ay nag-sona sa magkabilang dulo, na nagbigay sa UE ng hindi matatawarang 87-77 cushion sa 38.7 segundo para pumasok sa dagdag na oras.

“Hindi naman tayo perpekto but at least the players are not giving up,” sambit ni third-year Red Warriors head coach Santiago. “They didn’t give up. Just imagine, they scored 14 (points) in the overtime, we scored 15 (points), but yung nine points na yun coming off sa last 45 seconds. Just imagine, we held them down 4:15 ng na-score lang nila mga five points lang sila.”

Kulang sa killer instinct ang Red Warriors para selyuhan ang panalo sa regulasyon. EM

Iskor:

UE (87) – Remogat 34, Sawat 20, Cruz-Dumont 9, Gilbuena 7, Lingolingo 6, Momowei 5, Tulabut 2, Maglupay 2, Langit 2, Cabero 0, Galang 0.

FEU (86) – Bautista 21, Gonzales 18, Torres 12, Sleat 11, Añonuevo 10, Faty 8, Tempra 4, Ona 2, Bagunu 0, Montemayor 0, Felipe 0.

Quarterscores: 18-14, 32-36, 54-56, 72-72, 87-86