Renobasyon ng Rizal Memorial Baseball Stadium.. SECGEN MIKE ASUNCION AT PABA NAGPUGAY KAY CHAIR PATO!

ISA sa prayoridad ng Philippine Sports Commission sa infra projects nito ay ang pag- renovate ng makasaysayang Rizal Memorial Baseball Stadium upang maging state-of - the - art venue para sa mga ginaganap na local at planong hosting ng international baseball competitions sa bansa.

SPORTS

ni Danny Simon

10/13/20252 min read

ISA sa prayoridad ng Philippine Sports Commission sa infra projects nito ay ang pag- renovate ng makasaysayang Rizal Memorial Baseball Stadium upang maging state-of - the - art venue para sa mga ginaganap na local at planong hosting ng international baseball competitions sa bansa.

"Nagpapasalamat ang inyong lingkod , sa ngalan ng PABA kay PSC Chairman Patrick 'Pato Gregorio sa kanyang komprehensibong programa na mapasama ang baseball sa mga ide-develop na sports venues para sa kapakanan ng mga atleta ng bansa na nagtitiis na lang sa mga old schools na palaruan sa noon pa. Panahon na upang umangat pa ang antas ng performance ng manlalarong Pinoy dahil sa modernong venues bilang top priority ng ating sports chairman," wika ni PABA secretary general Mika Asuncion sa panayam .

Si secgen Mike ay tanyag sa larangan ng collegiate baseball management partikular sa University of the Philippines Maroon batters sa UAAP.

Siya na ang isa sa top brass ng national sports association( NSA) na Philippine Amateur Baseball Association ( PABA) bilang secretary general katuwang ni top honcho Rodolfo 'Boy Tingson ng pamosong Philippine Tot Baseball.

Ang tandem ni Boy at Mike ang pumalit sa liderato ni dating PABA president Chito Loyzaga at Pepe Munoz sa ginanap na halalan na nagbigay -daan sa panibago at komprehensibong pagbabago sa takbo ng management ng naturang NSA.

It’s a tall order para sa bagong pamunuan kung paano pasiglahin at maging darling muli ng Pinoy ang larong pwedeng umasenso ang ating mga manlalaro basta sa tamang proseso, management at determinasyon na maisulong ang larangan na kayang mag-excel ang Pilipino kontra tinatalo lang nila noon na mga bansang Japan, Korea, Chinese Taipeh at China na pawang world caliber na.

Determinado si secgen Mike na muling ibalik ang winning tradition noon ng Phillippine IX sa diamond at ang glory days kung saan ay dinudumog ang mga laro at pinipilahan sa takilya kapag may larong baseball sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Misyon din ng PABA na maparami pa ang laruan o field ng baseball sa hinaharap at iyan ay magiging realidad sa pagsisikap ng lahat nang konsernado mula managemant, pamahalaan,pribado at corporate sektor. Seryoso ang bagong PABA na ibalik ang glory days ng baseball sa Pilipinas.

Pero kailangan ito ng full blast na mga pasiklab at pakulo upang bumalik ang excitement sa larong paboritong pastime sa Estados Unidos.

Modernong marketing strategy at glamorosong mga .manlalalaro na tiniltilian ng fans tulad sa basketball at volleyball.