Robert "Big J" Jaworski dapat sa Naismith Basketball Hall of Fame

Bibigyan parangal ng PBA Press Corps ng Lifetime Achievement Award si legendary basketball player Robert Jaworski.

SPORTS

Atty. Ariel Inton

9/22/20241 min read

Bibigyan parangal ng PBA Press Corps ng Lifetime Achievement Award si legendary basketball player Robert Jaworski.

Very much deserving si 'Jawo' sa parangal na yan. Mahirap mahigitan ang kanyang contribution hindi lamang sa PBA pero sa daigdig ng basketball. At sa pananaw ng inyong kakorner dapat lamang mapabilang siya sa Naismith Basketball Hall of Fame kasama ng mga pinakamahusay na naglaro ng basketball at mga taong nakaambag ng malaki sa basketball. Sana ay ma -nominate po siya sa Basketball Hall of Fame.

Kaya ba? Opo. Hindi lamang mga NBA players ang napapabilang sa Hall of Fame. Mga taong malaki ang contribution sa basketball ay kinikilala rin. Kung hindi man bilang player ay malaki ang contribution ni Big J sa basketball sa Pilipinas at maging sa Asia.

Ang Pilipinas ang number one basketball country sa Asia. Its a national pastime ika nga. Ang PBA ang unang professional basketball league na itinatag outside the NBA. At million ang following nito. Isang dahilan ay si Jaworski.

Si Big J din ang tanging player na naglaro kahit over 50 years old na sya. So, kung longevity rin lang aba'y walang tatalo kay Jawo.

Kailangan may mag-nominate kay Jawo hindi lang bilang player pero mas malakas kung makikita ng screening committee ang significant contribution niya to the game of basketball.

Nakakalungkot na kahit sobrang mahal ng mga Pilipino ang basketball ay tila kulang ang pagkilala ng mga basketball international association sa mga Pilipino.

Umaasa tayo na makapasok ang unang homegrown na Pinoy sa NBA pero hanggang ngayon ay ni ma- draft ay wala pa. Pero sa usapang SIGNIFICANT CONTRIBUTION TO THE GAME OF BASKETBALL panahon na upang kilalanin ang isang Pilipino sa katauhan ni Robert Jaworski.