RONQUILLO LALARO NA SA SAN SEBASTIAN STAGS SA NCAA 100TH SEASON

ANG pambato ng UST Cubs sa UAAP na si Lanze Ronquillo ay committed nang lalaro sa ika- 100 season ng National Collegiate Athletic Association para sa San Sebastian Stags.

SPORTS

Danny Simon

4/11/20241 min read

ANG pambato ng UST Cubs sa UAAP na si Lanze Ronquillo ay committed nang lalaro sa ika- 100 season ng National Collegiate Athletic Association para sa San Sebastian Stags.

Ang matinik na lead point guard ng UST juniors na may average na 9 points,5 assists at 3 steals upang giyahan ang España boys sa top four finish last season ay handa na sa giyera sa arena ng NCAA centennial season.

NCAA - bound Lanze Ronquillo

Shooting guard Ronquillo

Siya rin ang team captain ng Cubs sa pag-entra nito sa NBTC national finals upang mag-qualify sa mga prestihiyosong kaganapan na nilakahukan ng mga best and finest youth players sa buong bansa na humahatak ng partisipasyon sa mga promising Pinoy players na nakabase sa overseas.

Si Ronquilo na binansagang 'The Stabilizer' ay inaasahang ang kanyang presensya sa hardcourt bilang isang steady player sa kanyang bagong tropang Stags.

Si Lanze na anak ni COCOLIFE SVP at basketball enthusiast Joseph 'Otep' Ronquillo ay naging bahagi rin ng San Beda boys team na kumatawan sa Pilipinas sa ligang international na Pacific Rim na idinaos sa Bangkok ,Thailand kung saan ay iniuwi nila ang champioship crown dahilan upang parangalan sila ng Senate Sports Committee at ng Malacañang.