IN GOD WE TRUST

Running Inay Inspirasyon ng lahat ng runners... MOMMY DONEZA KINARIPAS ANG LUZVIMINDA!

ISANG patotoo ni Marlene Gomez Doneza aka "Running Inay" na kaya ng mga may edad na tumakbo nang higit 2,500 na kilometro kung pagsisikapan.

SPORTS

Ni Menchie Salazar

10/22/20262 min read

ISANG patotoo ni Marlene Gomez Doneza aka "Running Inay" na kaya ng mga may edad na tumakbo nang higit 2,500 na kilometro kung pagsisikapan. . Nakamit ng long distance running mama ang tagumpay ng pagiging unang senior runner na nakatapos ng Trans Pilipinas Endurance Run mula sa General Santos City hanggang sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Mula August 5 hanggang October 15 ay sinuong ng 64-year old ultra marathoner mula sa Batangas City ang pabago-bagong panahon at iba't ibang terrains na nasubok sa kanyang kakahayan at kahusayan upang matapos ang kanyang advocacy run upang makatulong sa mga senior citizens na mamuhay ng active at healthy lifestyle.

Ito ang ikalawang subok ni Running Inay na bahagi ng Running group CALABARZON sa ultramarathon kasunod ng matagumpay na unang pagsabak nitong 2025 mula sa Sorsogon hanggang sa Pagudpud na may habang 1,404 kilometro sa loob ng 36 na araw.

"Sa totoo lang, mahirap bilang senior, may pagkakataon na paltos at masakit ang tuhod pero dahil sa mga taong tumulong at sumusuporta sa amin, lahat ay binabalewala at tuloy na ang laban.", sinabi ni Doneza sa lingguhang Tabloid Organization in the Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports .

Para sa mga core members ng Team Running Inay, nagpapasalamat rin sila dahil nakatulong ng malaki ang advocacy run upang mas maraming hikayating mga senior citizen ang nais maging huwaran upang mas maging aktibo sa iba't ibang sports.

"Masaya po dahil very successful kahit maraming pinagdaaanan along the way, nandun ang ulan, init, lahat susuungin, masayang masaya kasi di namin ineexpect na nagtagumpay na si Inay sa kanyang running journey na matapos ang 2,557 kilometers na run.", sinabi ni Melanie Malinhan.

"Marami kaming pinagdaanang hirap pero masaya dahil dun sa mindanao terrains at trails, kung paano namin inihurdle yung brutally challenging terrains like sa Davao, Bukidnon, Gingoog at Claveria, pati na ang mainit ang panahon, dumating kami dun ay mataas ang heat index nila... yan yung pinaghandaan ng husto at ang karanasan na dumaranas sa hirap ng terrain, talagang matinding ahon at lusong kahit sobrang init, kung paano ay pinaghandaan, hanggang pagdating ng Visayas Leg at Luzon Leg, medyo gumaan na.", wika ni Nicanor Gandeza sa forum na sinuportahan ng Philippine Sports Commission, Pocari Sweat at Behrouz Persian Cuisine.

Bukod pa rito ay mas lalo pang namomotivate sa Running Inay sa mga nakakasalubong sa daan upang magbigay ng extra boost sa kanyang pagtakbo pati na ang pagsuporta ng buong Philippine National Police sa panguuna ni PNP Chief General Jose Melecio Nartatez, Jr.

May mensahe rin si Running Inay sa mga kapwa seniors na nais sumubok ng iba't ibang sports at forms of exercise.

"Ang maipapayo sa mga seniors, sana'y maging active kahit nagretiro sa trabaho... siguro panahon na ang ating sarili ay ating asikasuhin. Pinakamahalaga po ang exercise kasi dapat ilagay natin sa daily na pangailangan kasi sa totoo lang, pag nag-eexercise, hindi po basta't basta tamaan ng sakit, magaan ang kilos at hindi pagurin, palagi kayong energetic.", huling sambit niya.

CALABARZON Running team panauhin sa TOPS. Kuha ni Menchie Salazar

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...

Your message goes here