‘Running is life’ ni ‘The Old Warrior ‘ Antoque sa PAL Manila Int’l Marathon
BAGAMA’T isa sa kinikilalang long distance runner ng bansa si running icon Rey Antoque, nasa liyebo 30 na nang makahablot ng major running championship nang pagharian niya ang sikat na National Milo Marathon noong dekada ‘90.
SPORTS
Danny Simon
6/23/20251 min read


BAGAMA’T isa sa kinikilalang long distance runner ng bansa si running icon Rey Antoque, nasa liyebo 30 na nang makahablot ng major running championship nang pagharian niya ang sikat na National Milo Marathon noong dekada ‘90.
Markado rin sa kanyang karera ang napagwagiang Philippine Airlines Manila International Marathon team championship noong 1994 na dumaig sa mga lumahok na dayuhang European runners at pinagbunyi ng Filipino running community.
Ang Visayan footracing champion na si Antoque ay nagpapanalo pa ng maraming individual running events sa Metro Manila at lalawigan ay na-detail sa military kung saan siya ay nadestino sa Tarlac sa Camp Servillano Aquino.
Sa pagiging kawal na ng sandatahang lakas, di naman ito naging tuldok sa kanyang enthusiasm dahil nagamit pa rin ang larangan sa sports program ng kampo.
Hindi rin naging hadlang kay Old Warrior ang pagtuklas ng mga runners na kanyang idinidevelop upang maging susunod na henerasyon silang national runners ng bagong panahon
Nitong nakaraang weekend ay lumarga ang 2025 PAL Manila International Marathon sa CCP Complex kung saan ay tumakbo at nagpapanalo ang bataan nito sa mga kategoriya at umuwing very proud sa kababayang Tarlacquenos.
“ Tuloy at walang puknat ang aming running program sa Tarlac kaya dumarami ang aming natutuklasang potensyal runners na makapagbibigay ng karangalan sa Tarlac at sa Pilipinas mismo patunay ang kanilang pagpapakitang gilas dito sa PAL Marathon, pahayag sa panayam kay running icon Rey Antoque.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato