Sa bayan ni Juan dela Cruz.. TATLONG TAONG WALANG DIYOS?
ANG buod ng piyesang ito ay tuon sa tatlong taong makapangyarihan at tatlong taong singkad na mistulang wala silang kinikilalang DIYOS.
OPINION
DANNY SIMON
9/14/20252 min read


ANG buod ng piyesang ito ay tuon sa tatlong taong makapangyarihan at tatlong taong singkad na mistulang wala silang kinikilalang DIYOS.
Ang bayan ni Juan ang isa sa pinaka-relihiyoso nang lunduyan anumanng sekta ang kinabibilangan sa sandaigdigan.
Halos siyento- porsiyento ng mga tao ay sumasamba sa Poong Lumikha ng langit at lupa maliban sa iilan.
Sagana sa likas na yaman ang bayan ni Juan na puwede nang sandigan ng kanilang kabuhayan magpakailanman.
Kung kaya pinagnasaan ito ng mga dayuhang mga puti,singkit at sakang ( partikular ang 3 taong pananakop ng mga Hapones noong giyera mundial dos na mistulang walang Diyos na naisapelikula pa at patok sa takilya).
Ginamitan ng dahas at puwersa ang kahinaan ng kanyang mamamayan.
Pero may matatapang na nanindigan upang mabawi ang kalayaan at mamuhay ng may kasarinlan sa demokratikong pamamaraan at pamunuan. Ang yumi at ganda ng bayan ni Juan ay nanumbalik ang halina tungo sa progresibong pamayanan sana.
Pero sa sandaling panahon lang ng kasarinlan ay nagsimulang maging maka-sarili kanya-kanya ang mga dupang at dinekwat ang kabang-bayan ng sambayanan.
Nagsimulang maramdaman ni Juan ang hirap at pasakit sa buhay noong taong beinte y beinte dos.
Nagkamali ang bayan sa pagpili ng iniluklok sa trono ng kapangyarihang mamuno sa natatanging lunduyan.
Tatlong tao ang umabuso na walang ginawa kundi dekwatin ang pondo at limasin ang kaban ng bayan harap -harapan sa mga taong matatalino naman pero nasilaw sa kinàng ng salaping suhol galing sa buwis ng kabayan ni Juan.
Tatlong taong singkad na nangulimbat ang mga hitad kasabwat at pasimuno ang tatlong taong lider-kawatan.
Pero lahat ng kasamaan ay may katapusan. Akala ng mga tulisan, wala nang DIYOS na tatapos sa kanilang kabuktutan.
Higit sa isandaang milyon katao na ang nagdarasal na mawakasan na ang kumahog na pandarambong na ikinalubog na ng bayang bugbog sa aspeto ng pagdarahop.
Dininig na ito ng DIYOS kaya sa pamamagitan ng makapangyarihangkumpas ay matutuldukan na ang kabalbalan ng tatlong tao lang na nagpasasa sa yaman ng bayan ni Juan sa loob lang ng tatlong taong singkad hanggang taong kasalukuyan.
Nagpasasa sa BAYAN NI JUAN sa loob ng TATLONG TAONG pag-upo sa trono ng kapangyarihan...nasa kabilang kanto na ang kanilang hangganan...
ABANGAN!!!
****
ATING SUPORTAHAN SI CHAMP CATALAN
SA ibang bansang prayoridad ang larangan ng sports ,sino man sa kanilang mamamayan ang makapagbibigay ng karangalan sa bansa ay suportado na ang itinuturing na bayani habambuhay pati pamilya.
Dito sa Pilipinas iilan lang ang sports hero na tumatamasa ng suporta ng pamahalaan.Marami sa kanila ang kumakayod ng sariling sikap at wala nang kinang ang medalyang naihandog na dangal ng bayan.
Isa si 2006 Doha,Qatar Asian Games wushu gold medalist Rene Catalan sa buhay na bayaning nagsisikap itaguyod ang kanyang adbokasiyang tumuklas ng mga talento sa kanyang programang Philippine Encuentro - Search for Filipino Hero sa larangan ng combat sports,sudokwan,
muay,mixed martial arts atbp.Pahirapan sa pondo para ensayo at pagdayo. PSC, POC, pribadong sektor atbp., ating tulungan si Champ Catalan..now na kabayan!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato