Sa Comillas, La Paz, Tarlac... MATAGUMPAY ANG HUMANITARIAN MISSION NG CLR45 AT GIBFI NI GOV. AGCAOILI
DAGSANG residente mula bata, adults hanggang senior citizens ang napaglingkuran ng ikinasang medical mission at feeding program ng Central Luzon Region (CLR) 45 The Fraternal Order of Eagle- Philippine Eagles, Inc. at Guardians sa pamumuno ni Gov. Rafael Agcaoili sa Comillas, La Paz, Tarlac kamakailan.
PEOPLE* PLACES* EVENTS
Danny Simon
5/26/20243 min read


DAGSANG residente mula bata ,adults hanggang senior citizens ang napaglingkuran ng ikinasang medical mission at feeding program ng Central Luzon Region (CLR) 45 The Fraternal Order of Eagle- Philippine Eagles, Inc. at Guardians sa pamumuno ni Gov. Rafael Agcaoili sa Comillas, La Paz, Tarlac kamakailan.
Full force ang tropang GIBFI at Eagle group sa pamahagi ng libreng gamot sa mga na-check-up ng mga doktor at nurses na ipinadala ng RHU na kaloob ni La Paz Mayor Venustiano Jordan sa pakikipagtulungan ng Comillas Bgy. Officials sa liderato ni Kuya Kapitan Pablo Pineda (Eagle) at buong Konseho, Bantay Bayan, Barangay Health Workers at BPAT kung kaya naging smooth ang proseso mula registration, blood pressure check up hanggang bigayan ng gamot at nakauwi ang mga pasyente na nalunasan ang pangambang may kaugnayan sa kalusugan.
Maraming bata rin pati adults ang nabiyayaan ng feeding program sa kasagsagan ng humanitarian mission.
Dahil sa tagumpay ng kaganapang kauna -unahang idinaos sa La Paz na inorganisa ni humanitarian champion Agcaoili ay buong pusong nagpasalamat ang mga napaglingkuran ng libre na mga La Pazeños at inaasahan ang pagbabalik ng misyon sa ibang barangay naman ng naturang bayan.
SI CLR45 Gov. Rafael Agcaoili sa kanyang talumpati bago ikasa ang medical mission at feeding program sa covered court ng Bgy Comillas, La Paz, Tarlac.(Photo courtesy : Secretary Racquel Lapitan)




Golden Dragon Eagles Club president Danny Simon with humanitarian mission beneficiaries in Comillas La Paz, Tarlac courtesy of CLR 45 and GIBFI of Gov. Rafael Agcaoili. (Photo courtesy by Sec. Racquel Lapitan)
Kuya Edcel at Ate Weng sa pamamahagi ng libreng gamot. (Photo courtesy ni Rhonalyn Tejada)
" It's very heartwarming na mapaglingkuran ang ating mga kababayan partikular sa kanayunan dito sa Tarlac sa abot ng aming makakaya sa ngalan ng ating pinamumunuang CLR45 ng The Fraternal Order of Eagles at Guardians International Brotherhood Foundation , Inc. (GIBFI) sisikapin nating mapaglingkuran pa ang mga Tarlacqueños in the near future," pahayag ng unang Filipino na Humanitarian awardee ng United Nations na si Agcaoili.




Pinasalamatan din ng top brass ng Raedang Builders and Developer Corporation at Gilas News publisher ang liderato ng Bgy. Comillas sa pangunguna ni Kuya Kapitan Pineda at kanyang mga kagawad na sina Kuya Rex Adsuara (Eagle), Jay Garlitos, Marina Capitly, Kuya Nestor Bolanio, Efren Garlitos (Eagle), Reycand Abraham at Artemio Ramos, treasurer Salvador Calixto, Jr. at secretary Racquel Lapitan, BPAT chief Constancio Soriano, deputy Julio Atchuco at ambulance driver Edwin Nieves. Kay Comillas INC head Juanito Nasarro at La Paz Mayor Jordan.Gayundln sa mga tropang Eagles mula NCR na sina Kuya Leo Bicaldo,Kuya Bonnie Bargan at Ate Bing (lady eagle), Kuya Phantom at Ate Weng (lady eagle), Kuya Ely, Kuya Oca, Kuya Mark Batuigas, Kuya Engr. Edcel Salcedo at iba pa na boluntaryong tumulong sa ikatatagumpay ng humanitarian mission.




Barangay Health Workers @registration.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato