Sa panawagan ni ex- Konsi Ejercito.. FLM AGAD NA TUMULONG SA MGA NASUNUGAN SA SAN JUAN

AGARANG tumugon sa panawagan si humanitarian champion,public servant Francis Leo Marcos mula sa konsernado sa mga nasunugan sa F.Manalo Bgy Batis sa Lungsod ng San Juan kahapon.

NEWS

4/17/20241 min read

AGARANG tumugon sa panawagan si humanitarian champion,public servant Francis Leo Marcos mula sa konsernado sa mga nasunugan sa F.Manalo Bgy Batis sa Lungsod ng San Juan kahapon.

Sa tawag ni dating San Juan City Councilor Janna Ejercito kay Marcos, humiling ng mabilisang tulong ang Konsehala sa tinaguriang bayani ng pandemya na si Marcos para sa nasa halos isandaang pamilyang nasunugan.

Personal na nagtungo ang batang Marcos sa San Juan upang mamahagi ng saku-sakong bigas at cash sa mga pamilyang biktima ng sunog.

“Sa ating munting kaparaanan ay buong puso po tayong tutulong.Sa pagsisikap ni Coun Ejercito ay naipaabot niya sa inyong lingkod ang nakaka-abang kalagayan ng ating mga kababayan sa Sa Juan partikular sa mga biktima ng sunog,laban lang minamahal na kababayan” wika ng bantog pilantropo sa bansa na si FLM.

Nanawagan din si Marcos sa kanyang mga kapanalig sa kawanggawa lalo sa itinatag niyang Filipino Family Club International( FFCI) na pinamumumuan ni President EO Batalan at lahat ng kanilang club presidents,members sa national at international at sa Semi Di Speranza na maglaan ng tulong pinansyal upang makaraos ,makabangon at makatulong na mabalik sa normal ang pamumuhay ng mga biktima ng malaking sunog sa San Juan.

Pinuri din ni FLM si FCoun Janna Ejercito sa kanyang tunay na malasakit na ipinadama sa kababayan na nasa nakaka-abang sitwasyon sa kasalukuyan.

Ang sunog na nagsimula ika:5 n.h. ay nadeklarang fireout ika -8 n.h. pero kumitil ito ng isang fire volunteer marshall na tanging casualty sa sunog. Danny Simon

FLM