SALUDO KAY SEN. AP CAYETANO
MULING naipamalas ang husay at talino sa plenaryo ni Senator Alan Peter Cayetano.
OPINION
DANNY SIMON
6/15/20252 min read


MULING naipamalas ang husay at talino sa plenaryo ni Senator Alan Peter Cayetano.
Kumbaga sa basketball, halos pareho ng kalibre ang magkakatunggaling pointguard / playmaker pero sa krusyal endgame ay na-outplay, outwit o nagulangan ni APC ang palaban kahit wala na sa kontensiyon na si Sen. Koko.
Sa last 2 minutes ng pinaglalabanang ituloy na ang prosekusyon sa nakasalang na inimpeach ng HoR na si VP Sara na iniakyat ng Kamara sa Senado kung kailan na nasa huling tikada na ng session sa plenaryo bago ang recess at bigyang-daan ang midterm elections.
Matapos mapawi ang usok ng halalan kung saan ay dumanas na matinding damage ang alyansa ng administrasyon ay muling kinalampag ng mga pro -impeachment na pinklawan, pulahan at komunista ang Senado upang i-convene na ang prosecutors at depensà na anila'y pagtalima sa Konstitusyon upang mahatulan na kung guilty o absuwelto ang ginigiba nilang VP ng bansa.
Napagbigyan ang mga anti-VP kung kaya nagkaroon na ng debate ang mga Senador na magiging Hurado hanggang sa magsuot na sila ng crimson robe at manumpa na sila bawat isang senator- judge.
Tuloy ang dribble, setplays, long range at under the basket attempt ng mga pangunahing players para sa larong wala nang bukas sa matatalo.
Ilang krusyal na steal, assist at conversion to the hoop ang itinala ni Sen.Alan na mistulang dakdakang harap-harapan sa natamemeng kalabang Teambaloslos at naisahan muli ang kamot -ulong si Koko na-flatfoot ng teknikal na rule na 'forthwith' na ang ibig sabihi ay ' kasunod' sa halip na agad-agad lalo na ang 'remand" na nai-sub niya sa katagang dismiss.
Nasupalpal ang kokote ni Koko dito pati ang walang ginawang magaling kundi puro foul na Senadorang nag-virus ang ķapalpakan sa kanyang koponan.
Pagtunog ng final buzzer, tinambakan ng tropang Cayetano.Go.Bato.Imee,Robinhood et al ang wala nang timbang na Teambaloslos,18-5 kung kaya ang malnourished na impeachment ay ibinalibag pabaĺik sa mga busog nang mga kamador sa Kamara na wala nang ibuga.
MVP si APC sa crowd favorite na koponang matuwid at makatotohanan.
Tunay na statesman na nagmana sa alamat na patriarkong Compañero Rene Cayetano at pinagpipitagang utol niyang si Sen.Pia Cayetano na sasalang na rin sa paparating na 20th Congress.
VP APC '28?..ABANGAN!
Lowcut - Panawagan ng isa nating ka-uppercut na si SG Vhergel Divina ng Mc Do Libertad na sana'y sa susunod na August Chamber ng Kongreso ay 'wag nang bigyang daan ang mga planong panibagong impeachment dahil mas marami pa ang mahalagang bagay na maisasabatas para sa ikabubuti ng bawat Pilipino. MISMO!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato