Sambo champions sa TOPS Usapang Sports ngayon

PAMILYANG kampeon ang tampok na talakayan sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports ngayong Huwebes (Abril 4) sa PSC Conference Room sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

SPORTS

Enjel Manato

4/3/20241 min read

PAMILYANG kampeon ang tampok na talakayan sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports ngayong Huwebes (Abril 4) sa PSC Conference Room sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Bida ang magkapatid na Chino at Sydney Tancontian sa public forum ganap na 10:30 ng umaga para gunitain ang makasaysayang tagumpay sa nakalipas na Dutch Open 2024 International ambo Tournament sa Netherlands kung saan tinampukan nila ang matikas na kampanya na tatlong ginto, isang silver at isang bronze medalya.

Makakasama nila ang ama at Sambo Pilipinas Federation president Paolo Tancontian at playing/coach Ace Larida sa program ana itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Inaasahang babalangkasin ni Tancontian ang naturang tagumpay ng Team Philippines, gayundin ang mga plano at programa para sa patuloy na pagyabong ng Sambo sa grassroots at elite level, higit ang mga nalalapit na mga torneo sa regional level.

Inaanyayahan ni TOPS President Maribeth Repizo ng Pilipino Star Ngayon (PSN) ang mga miyembro at opisyal, gayundin ang mga sports enthusiasts na makiisa at makilahok sa talakayan sa lingguhang talakayan na mapapaood via live streaming sa TOPS usapang Sports official Facebook page, gayundin sa Bulgar Sports FB at sa Channel 8 ng Pinoy Ako (PIKO) – ang pinakabagomg mobile apps network na libreng mada-download sa inyong Android mobile phone.