SANDRA BAUTISTA DA NEXT ALEX EALA SA TENNIS

TUNAY na pasiklab ang ating mga babaeng atleta lalo na kapag dumarayo sa international competitions.

SPORTS

7/6/20252 min read

TUNAY na pasiklab ang ating mga babaeng atleta lalo na kapag dumarayo sa international competitions. Tampok sa ating mga pambatong Pinay si Hidilyn Diaz - ang kauna-unahang Pilipinong Olympian na nag-ambag ng makasaysayang first Olympic Gold ng Pilipinas at ito ay handog at bunga ng kanyang husay at pambihirang lakas sa larangan ng weightlifting .

Naunang sumikat sa international competìtions ang Pinay athletes sina yumaong Lydia De Vega at living legend Elma Muros Posadas sa larangan ng track and field ng athletics gayundin sa Bong Coo ( kasalukuyang PSC commissioner)sa bowling

Sa team competitions naman ay sumisikat ang ating Philippine team na Malditas sa football, ang mga Alas sa volleyball , lady dragonboat padders ni Pres./ coach Len Escollante,RP BluGirls sa softball gayundin sa women's basketball.

Sa boxing ay kilala na sa mundo si Olympian Nesty Petecio at si world champ Rubilen Amit sa billiards.

Lately ay ang phenomenal Pinay tennis star na si Alexandria Eala na nagtatala ng kasaysayan sa larangan ng tennis para sa Pilipinas sa mga prestigeous international tennis competition tulad ng Wimbledon,Frenchat ang matagumpay na Miami Open kung saan ay 'she shocked the world'.

Susunod sa kanyang yapak ang Isa na namang tennis sensation na si Sandra Bautista ang pakitang- gilas sa mundo na kamakailan ay nag-reyna sa prestihiyosong torneo sa USA partikular sa Burbank L.A na Open Level 6 TMX 18 Under Single Tennis Championship na may basbas ng USTA.

Ang anak ni proud father GAB commissioner Angel Bautista ( Mapua varsity tennis player NCAA noong kanyang prime )

ay produkto ng Palarong Pambansa( kampeon sa RAAM) at iba pang national games sa pangangasiwa ng Philippine Sports Commission at DepEd.

Ang Cavite gem na si Sandra ay pokus ngayon sa kanyang paghahanda para sa kanyang opisyal na paglalaro sa parating na Thailand SEAGames.

Hurrah for Sandra and more power sa kanyang pers lab na tennis..ABANGAN!

Lowcut- Good moŕning sa mga bossing at kawani or agent ng CASH LOAN Company at op kors kay SG Vhergel Divina na suki ng Uppercut at TonitePolice Files Newspaper. Mabuhay ang Pilipinas!

Tennis phenomenal Sandra Bautista