Sasabak sa SEAGames Thailand 2025...ANAK NI GOMA NA SI JULIANA GOMEZ; NAG- QUALIFY PARA SA PH NATIONAL FENCING TEAM
NOONG 2005 Southeast Asian Games sa Maynila, nakopo ni Richard Gomez ang gold medal sa fencing para sa Pilipinas.
SPORTS
Danny Simon
6/11/20251 min read


NOONG 2005 Southeast Asian Games sa Maynila, nakopo ni Richard Gomez ang gold medal sa fencing para sa Pilipinas.
Ngayong 2025, nag-qualify ang kanyang anak na si Juliana Gomez bilang kinatawan ng bansa para parating na Southeast Asian Games sa Thailand sa Disyembre sa misyong duplikahin o lagpasan ang golden performance ng kanyang idolong amang sportsman,actor at lingkod- bayan.
Nitong nakaraang taon, si Juliana , ang unica ija ng celebrity couple na sina Richard at Lucy Torres-Gomez,ay naghatid ng karangalan para sa kanyang pamilya at paaralan matapos masungkit ang kanyang presyosong gintong medalya sa UAAP Season 86 Women's Fencing division.
Ngayong taon,muling naging proud ang kanyang magulang dahil naka-pokus na siya sa mas malaking hamon bilang atleta ng national fencing team na opisyal nang nag- qualify nitong nakaraang weekend.
Si Richard,dating national fencing team member na kalaunan ay naging president ng Philippine Fencing Association nang higit sa siyam na taon ay buong pagmamalaking inilahad ang achievement ng kanyang anak bilang fencing athlete ng national team sunod sa kanyang yapak.
“Three of our athletes from Ormoc City qualified for the Women’s Epee National Team and will be seeing action at the coming Thailand SouthEast Asian Games in December. Let’s go team!..
Alexa, Juliana and Ivy.”sambit ng Representante sa Lower House na si Cong. Gomez at kasalukuyan ding opisyal ng Philippine Olympic Committee( POC).
Nitong nakaraang weekend, naging punong- abala ang Ormoc City sa fifth and final leg ng Philippine Fencing Association (PFA) senior rankings — ang krusyal na qualifying event para sa nalalapit na SEA Games sa Thailand..


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato