SBA 2, HADLEY M AT MEDIA
IBA talaga kapag young blood ang namumuno sa isang organisasyon o liga partikular sa larangan ng sport.
SPORTS
DANNY SIMON
11/20/20252 min read


IBA talaga kapag young blood ang namumuno sa isang organisasyon o liga partikular sa larangan ng sport.
Patunay ito ng mapusok na pangangasiwa ng batang lider bilyarista na si Hadley Mariano- ang nagtatag ng Sharks Billiards Association (SBA) na kilala na ngayon sa buong kapuluan at buong mundo na ang nakakaalam na sa Pilipinas ay mayroon nang propesyunal na liga kung saan ang kalibre ng mga manlalaro ay world class kaya gustong -gusto itong dayuhin ng mga pool sharks sa mundo sa hinaharap.
Matapos ang matagumpay na SBA 1 ay nasundan na agad ito ng second edition na lumawig pa sa karagdagang 2 matitibay na koponan na tanda ng pagsargo nito tungo sa panibagong tagumpay.
Tulad ng inaasahan ay blockbuster at bonggang- bongga ang opening ng dinagsang state - of- the-art na SBA 2 sa may Tomas Morato sa Kyusi.
As usual ay kinober ng inyong kakorner na Uppercut ang kaganapan kasama ang mga naimbitahang tropang media na na pina-invite ng masipag na SBA media coordinator na si Ms Zoe.
Bilib ang korner na ito sa setup ng pambungad seremonya na very professional ang programa.
No dull moment dahil ngayon ay puwede nang mag-cheer ang crowd sa kanilang hinahangaang koponan at bilyarista.
This is the big difference kumpara noon na tahimik ang mga tumbukan sa mesa at palakpak lang ang maririnig sa. sa bawat magaganda at magical na tira.
Yan ang forte ng young blood na lider ng SBA na si Hadley, dating vaŕsity player at anak ng pamosong entusyastiko sa sport na si Perry Mariano.
Kaya nga mismong si GAB Chairman Atty. Francisco Rivera ay hats off sa Batang Mariano.
Walang duda na ang direksyon ng SBA ni Hadley ay patungo na sa rurok ng success.
Bastat manatili lang na mapagpakumbaba si Hadley at di nakakalimot sa mga tunay na sumusuporta sa kanya mula preparasyon hanggang katanyagan lalo na sa tropang media ay ibabantayog siyà sa pedestal ng tagumpay.
Ganyan ang sekreto at staying power ng matagumpay nang pro cage league na PBA na itinuring na real partners ang media , maliit man o higanteng outlet.Wag din masyadong nagpapaniwala sa mga nagmamagaling na dumating lang at pumapel nang sikat na ang SBA...MISMO!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09451935742
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato
