SBA: SALAMAT GAB CHAIR RIVERA

BAGO mailunsad ang itinatag na kauna- unahang pro billiards league sa bansa (maging sa mundo) na pet project ng young energetic leader na si Hadley Mariano, tiniyak niyang plantsado lahat at walang anumang gusot ang magiging sistema ng first play-for- pay billiards league sa Pilipinas.

OPINION

Danny Simon

12/13/20242 min read

BAGO mailunsad ang itinatag na kauna- unahang pro billiards league sa bansa (maging sa mundo) na pet project ng young energetic leader na si Hadley Mariano, tiniyak niyang plantsado lahat at walang anumang gusot ang magiging sistema ng first play-for- pay billiards league sa Pilipinas.

Sa dami ng batikang bilyaristang Pinoy na amateur pa ang estado ay kinailangang alinsunod sa proseso na umaplay ng lisensya para maging pro ang kanilang estado.

Walang inaksayang panahon ang batang Mariano upang maging bonafide professional players ang mga batikang manlalaro kaya kanyang hiningi ang kaukulang basbas ng Games and Amusement Board (GAB) - ang ahensiya ng gobyernong may timon sa mga propesyunal na manlalaro tulad sa pro- boxìng,basketball,combat sports,esports at iba pang sports na pro at lisensyado.

Personal na iñagapayan ni Hadley ang mga manlalaro( babae at lalaki) upang makamit ang basbas ng GAB bilang pro-players na nagdulot at nagresulta ng paglulunsad na ng Sharks Billiards Association professional league na paglalaruan ng mga bagong basbas na pros sa koponan na paga-ari ng mga bigtime corporate companies sa bansa.

Dahil sa mapusok pero presisyon na desisyon ay isinilang na ang SBA kung saan ang buwenamanong edisyon nito ay instant success na balitado sa buong mundo dahil kay Hadley (anak ng pamosong billiards and entertainment godfather Perry Mariano) kaagapay ang reliable marketing expert na si George Ho,creative IT's at grapbic artists kaya nga state -of -the -art ang athmosphere ng bawat sarguhan sa Sharks Arena & Sports Bar sa Morato, QC.

Saksi at bahagi sa higanteng tagumpay ng SBA pro league's initial edition ang GAB na pinamumunuan ni Chairman Atty.Francisco Rivera, games at amusement chief Jesucito Garcia at mga kawaning nakatoka sa bawat opisyal na laro ng SBA.

Ito ay pinasasalamatan naman ng wagas ni Hadley kaya tiniyak niyang mas gigantic ang susunod na conference ng SBA na madadagdagan pa ng franchise teams at op kors ay bagong oportunidad at livelihood sa iba pang pool sharks sa bansa...ABANGAN!!

Lowcut: Special shoutout sa mga gorgeous at corteous media relation staffs na sina Ms Zoe at Ms Julia Favis. SARGO!

From left to right: Sharks Billiards Association CEO John Galahad Mariano, GAB Chairman Atty. Francisco Rivera and GAB Professional Sports and Games Division Chief Dr. Jesucito Garcia.