SBA Season 2, Sasargo sa Setyembre
HIGIT pa sa nauna, malapiyestang tumbukan at mas kapana-panabik — ganito inilarawan ang nalalapit na pagsambulat ng Sharks Billiards Association (SBA) Season 2 sa parating na Setyembre, kung saan inaasahang mas aangat pa ang antas ng kumpetisyon at kasiyahan para sa mga manonood.
SPORTS
Danny Simon
6/19/20251 min read


HIGIT pa sa nauna, malapiyestang tumbukan at mas kapana-panabik — ganito inilarawan ang nalalapit na pagsambulat ng Sharks Billiards Association (SBA) Season 2 sa parating na Setyembre, kung saan inaasahang mas aangat pa ang antas ng kumpetisyon at kasiyahan para sa mga manonood.
Mula sa apat na koponang may limang manlalaro noong Season 1, ngayong Season 2 ay limang koponan na may tig-anim na miyembro bawat isa ang maglalaban-laban. Iiral ang round-robin point system kung saan maghaharap ang bawat koponan nang hindi bababa sa tatlong beses bago tumungo sa best-of-five finals.
Papayanig muli ang defending champion Taguig, pati ang mga koponang Quezon City, Manila, Negros Occidental, at ang bagong salta na Makati. Gaganapin ang player draft sa Hulyo 29.
“Napakasuccessful ng Season 1. At ngayon, mas pinaganda pa natin. Sinimulan na rin natin ‘yung audience engagement kung saan puwedeng sumigaw ang mga tao habang nagsho-shoot ang players,” ayon kay SBA founder Hadley Mariano sa panayam
Suportado ng Smart Sports, Cignal TV, at MSW, ang Season 2 ay magtatampok ng tatlong format: ang King of the Hill (palitan ng manlalaro kada rack), Doubles, at One-on-One.
“Hindi na lang ito individual sport. Kailangan na rin ng team chemistry. Mas maganda, naging team sport na talaga,” dagdag pa ni Mariano.
Tunghayan ang mas mataas na antas ng aksyon, diskarte, piyesta at saya mula sa SBA Season 2!
SBA founder Hadley Mariano
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato