SBG AT ANG PSC GRANT NA DAGDAG ALLOWANCES SA ATHLETES AT COACHES NG BANSA

"I laud the Philippine Sports Commission for granting an additional P5,000 in the monthly allowance of our national athletes and coaches beginning next month.

SPORTS

Danny Simon

7/17/20251 min read

"I laud the Philippine Sports Commission for granting an additional P5,000 in the monthly allowance of our national athletes and coaches beginning next month.

Palaging panawagan natin noon pa man na mas pagbutihin ang mga suporta at benepisyo na ibinibigay ng gobyerno sa ating mga atleta at coaches. Sila ang ating mga bayaning nagbibigay ng karangalan sa ating bansa, kaya dapat lang na mabigyan sila ng kaukulang suporta.

Nakikita naman natin na malayo ang mararating ng ating mga kupunan kung sapat na suporta ang ibinibigay ng gobyerno at maging ng pribadong sektor. Halimbawa na dito ang pagkamit natin ng kauna-unahang gintong medalya sa Tokyo Olympics na sinundan pa ng dalawang ginto sa nakaraang Paris Olympics.

As chairperson of the Senate Committee on Sports and sponsor of the PSC budget, we had been consistently pushing for more government support to our sports sector in our desire to once again become Asia's sports powerhouse. These include fundings for their trainings and allowances during competitions, provision of better equipment, and improvements in our existing sports facilities, among others.

Dapat naka-focus na lang sa training at kumpetisyon ang ating mga atleta, at hindi na pino-problema ang iba pang mga isipin.

Naging isa rin tayo sa mga author at co-sponsor ng Republic Act No. 11470 na nagtatag ng ating National Academy of Sports o NAS sa New Clark City. At ngayong 20th Congress, upang mas maraming mga kabataan sa buong bansa ang maging bahagi nito kung maisabatas, naghain tayo ng panukala sa pamamagitan ng pagtatag ng mga regional campuses sa Visayas at Mindanao.

Ang lahat ng mga ito ay bahagi ng ating mas malawak na adbokasiyang hikayatin ang ating mga kabataan".

LOWCUT: Happy birthday to Divina siblings of Talugtug,Nueva Ecija (Christian Divina & Junjun Divina) mula sa kanilang proud father SG Verghel Divina ng McDo Libertad sa Pasay...KAMPAY!