SBG: BISYO ANG MAGSERBISYO SA SPORTS
GINAWARAN ng tampok at prestihiyosong SPORTS GODFATHER AWARD ng PSC-POC Media Group si Senator Bong Go nitong Lunes ng Gabi sa Activity Center ng Market Market sa Taguig City.
OPINION
Danny Simon
12/5/20231 min read


GINAWARAN ng tampok at prestihiyosong SPORTS GODFATHER AWARD ng PSC-POC Media Group si Senator Bong Go nitong Lunes ng Gabi sa Activity Center ng Market Market sa Taguig City.
Buong pagpapakumbaba naman na tinanggap ng Senate Chairman Committee in Sports and Health na si SBG ang pagkilala sa mga dakilang nagawa niya para sa sambayanan bilang isang halal na public servant .
Sa kanyang acceptance speech, sinabi niyang with or without award ay patuloy ang kanyang serbisyo sa bayan partikular sa kalusugan hanggang sa paborito niyang larangang SPORTS.
Kinilala ng popular na Senador ang kagitingan ng mga kabataang atleta na sa kanilang murang edad ay nakapagbigay na ng karangalan sa bansa st hinikayat pa niya ang mga kabataan sa buong bansa na get into sports na malaking bagay na magpapatupad ng kanilang ambisyon tungo sa magandang buhay.
Ipinagmalaki rin ni Senator Go ang kanyang pet project na National Academy of Sports sa Clark, Tarlac na isang oportunidad para sa student athletes na ihuhubog ng NAS.
Saludo si Go sa mga kabataang atleta na maliwanag ang future sa sports tulad ng 6-anyos na si Aielle Aguilar na 2x world champion na sa jiu- jitsu kids division sa Dubai last year at kamakailan lang, sina Alex Eala ng tennis, Carlos Yulo ng Gymnastics,EJ Obiena ng athletics at ang muling pagiging kampeon ng Pilipinas sa Asian Games sa basketball after 5 dekada.
Nagpasalamat siya sa Philippine Sports Commission( PSC)-Philipine Olympic Committee( POC) Media Group sa pamumuno ni Pres.June Navarro.
Wish niya ang malusog, matikas,malakas at MAGILAS na pamayanan sa kanyang bansang sinilangan. GO go Senator Bong Go!
Lowcut: Special shoutout kina Al Arenas, Kyla David at Leo Palo ng SBG office. Kudos to Global Sikaran Federation founder / president Hari Osias Catolos Banaag, Master Crisanto Cuevas, Master Manuel Banaag at traditional sports executives from Japan Baba Yuko and Tetsuya Tsuda. MANO PO at DOMO ARIGATO
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato