SBG: Super Health Center GO na sa Bacoor City
PINAPURIHAN ni Senador Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health and demography, ang Department of Health at ang lokal na pamahalaan ng Bacoor City sa Cavite sa ginanap na groundbreaking ng Super Health Center.
NEWS
Danny Simon
10/20/20231 min read


PINAPURIHAN ni Senador Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health and demography, ang Department of Health at ang lokal na pamahalaan ng Bacoor City sa Cavite sa ginanap na groundbreaking ng Super Health Center.
Sinabi ni Go, adopted son ng CALABARZON, ang nasabing health facility ang magiging tugon sa lumalaking pangangailangan sa health service sa lungsod. Agarang maipatutupad nito ang pagbibigay ng health care, medical consultation at maagang pagtuklas sa may sakit sa komunidad.
Pinasalamatan din ni Mayor Strike Revilla ang ibinigay na suporta ni Sen.Go kaya natuloy ang pagtatayo ng Super Health Center sa Lungsod.
Kasama ni Revilla si Congresswoman Lani Mercado-Revilla na nagpasalamat din kay Go sa pagsuporta, hindi lang sa lungsod kundi sa buong lalawigan ng Cavite.
Binigyang-diin ni Go na ang layunin ng pagtatayo ng mga SHC, lalo sa mga strategic na lokasyon na tinukoy ng DOH, ay upang suportahan ang malalayong komunidad at tiyaking may access sila sa mahalagang serbisyo.
“Mayroong napondohan na 307 Super Health Center sa taong 2022 at 322 Super Health Center sa taong 2023 sa buong Pilipinas. Alam n’yo sa kakaikot ko sa Pilipinas, nakita ko ang ibang mahihirap sa lugar na wala talagang sariling mga health center. Ang mga buntis nanganganak na lang sa tricycle o jeepney dahil sa sobrang layo ng mga ospital, Ngayon hindi n’yo kailangan pa pumunta sa mga ospital, puwede na kayo dito magpagamot,” ani Go.
Ang Super Health Center ay nagsisilbing hub para sa iba’t ibang serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, kabilang ang database management out-patient birthing, isolation, diagnostic (laboratory: x-ray ultrasound), pharmacy, at ambulatory surgical unit.
Ang iba pang serbisyo ay sa mata, tainga, ilong at lalamunan (EENT); oncology center; physical therapy at rehab center at telemedicine. Maaari ring gamitin ang SHC bilang satellite vaccination site para sa mga nakatira na malayo sa urban center.
Bukod sa Bacoor City, may itatayo ring Super Health Center sa Dasmariñas City, General Trias City, Carmona City, Tagaytay City, Imus City, Alfonso, Kawit, Magallanes, Tanza, General Mariano Alvarez at Rosario.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato