SEAGames Baseball 2025 Thailand... PILIPINAS MABANGIS VS VIETNAMESE!

SOBRANG lakas ng Pilipinas matapos ibaon ang ikaapat nitong biktimang Vietnam ,21-1 sa eliminations ng men’s baseball championship sa idinaraos na 33rd Southeast Ssian Games Thailand 2025.

SPORTS

Ni Danny Simon

12/10/20251 min read

SOBRANG lakas ng Pilipinas matapos ibaon ang ikaapat nitong biktimang Vietnam ,21-1 sa eliminations ng men’s baseball championship sa idinaraos na 33rd Southeast Ssian Games Thailand 2025.

Nagpaulan ng runs ang Pinoy batters sa ituktok ng 7th inning upang ampatin ang pagdurugo ng katunggali at itigil na ang laban kontra Viets via mercy rule sa larong dinagsa ng mga Thailand- based Filipinos sa Queen Sirikit Sports Center, Bangkok.

Kumamada ng 3 RBI’s ( run batted in ) si Juan Paulo Macasaet at nakauwi pa ng isang run para sa defending champion Philippines na humataw ng 16 hits at walang naitalang error.

Ang Vietnam IX na umiskor na tanging run sa bottom third ay may 6 hits lang at 10 errors na sinamantala ng Filipino sluggers upang manatiling malinis ang kartada, 4-0.

Naunang naging biktima ng Pilipinas ay ang Indonesia, Malaysi at Singapore na lahat ay masaker sa diamond field.

Panigurado na sa podium finish, ang susunod na makakatunggali ng Pilipinas ay ang Laos bago ang encuentro kontra mapanganib na host Thailand.

“ Stay focused, stay hungry team”, sambit ni PABA secgen Mike Asuncion para sa kanilang misyong kampeonato sa naturang biennial meet na perenyal nang pinaghaharian ng Pilipinas.