Sealions at McSports buwenamanong wagi sa Sinag Lakas Kwarenta Basketball opener
NAGTALA ng buwenamanong panalo ang Cavite Don Pacundo Sealions at Mc Sports Management sa doubleheader ng umarangkadang Sinag Lakas Kwarenta basketball tilt ng Sinag Laro Asya kamakalawa sa Ynares Sports Center,Pasig City.
SPORTS
Danny Simon
10/22/20231 min read


NAGTALA ng buwenamanong panalo ang Cavite Don Pacundo Sealions at Mc Sports Management sa doubleheader ng umarangkadang Sinag Lakas Kwarenta basketball tilt ng Sinag Laro Asya kamakalawa sa Ynares Sports Center,Pasig City.
Dikdikan ang laban ng Sealions ni Katherine Laron mula unang yugto hanggang krusyal na endgame ng 4th kung saan ay breaks of the game lang ang outcome pabor sa Cavitenos kontra palabang VDP Trading,84-77.
"Good start.Wish namin tuluy-tuloy ang winning tradition", wika ni team top brass Katherine Laron na kumakatawan kay team owner Jimwell Laron gayundin sa katropang Don Pacundo.
Pasiklab naman ang ex- pros na sina Richie Melencio( 35 points) at Wynne Arboleda(11) gayundin sina Shin dela Cruz( 23),Braulio Lim at iba pa upang igiya ang Mc Sports Management para sa 89-82 inisyal na wagi sa torneong inorganisa ng Sinag Laro Asya na pinamumunuan nina Chairman Rocky Chan,President Ray Alao,Executive Director Leo Isaac at Commissioner Rodney Santos.
Sa makulay na opening ceremony ay pumarada ang lahat na kalahok sa ligang basketball na handog ng Sinag Liga Asya na bukas para sa nga comebacking commercial at professional cagers na kwarenta anyos pataas.
Ang Cavite Don Pacundo Sealions team ni Katherine Laron na nagwagi kontra VPD Trading sa Sinag Lakas Kwarenta cage opener.( Menchie Salazar)
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato