IN GOD WE TRUST

SEALIONS PILIPINAS PAPAKITANG- GILAS SA GUAM AT LAS VEGAS

OBRANG entusyastiko at optimistiko ni SEALIONS Basketball top brass Jemuel Laron sa nalalapit nang pagdayo ng kanyang koponan bilang kinatawan mula Pilipinas para sa sasambulat na Guam Invitational International Masters Basketball Tournament sa Agana.

SPORTS

ni Danny Simon

4/12/20262 min read

SOBRANG entusyastiko at optimistiko ni SEALIONS Basketball top brass Jemuel Laron sa nalalapit nang pagdayo ng kanyang koponan bilang kinatawan mula Pilipinas para sa sasambulat na Guam Invitational International Masters Basketball Tournament sa Agana.

Ang pagsabak ng SEALIONS PILIPINAS sa Guam ay mula sa basbas ng prestihiyosong Sinag Liga Asia na pinamumunuan ng.dynamic duo nina Rey Alao at Rocky Chan kung saan ay regular member ang multi-titled na koponan ni Seaman Top Officer/Businessman/ Sportsman Laron.

" Baon ng ating Sealions ang pamosong winning tradition at optimistiko ako na we will bring home the bacon sa masters division. Sa komposisyon ng ating Guam- bound team ay mission possible dahil sa motibasyong never say- die at walang iwanan mula noon hanggang ngayon ay solid ang Sealions", wika ni Laron sa post interview matapos silain ng Sealions ang kalaban sa do-or-die na bakbakan 106-95 ng Sinag Liga Asya 40 na pinagbidahan ni streakshooter Maeng Junio para mahablot ang semifinals slot ng liga.

SI Laron na playing shooting guard turned team top brass ay kaagapay sina bench tactician ex-pro Wynne Arboleda at commercial league star Pol Santiago.

Si Jemuel rin ang big boss ng defending champion New Dagupan Sealions sa prestihiyosong cage league sa Calintaan Occidental Mindoro na dinadayo pa ng mga malalakas nang manlalaro mula Maynila.

No dull moment sa koponang Sealions dahil pagkatapos ng Guam stint ay muling sasabak ang tropang Laron sa Las Vegas sa ''Tate di para magkasino kundi patunayan kung sino sila bilang kampeon sa pagdepensa ng korona ng cage league doon na inorganisa ng mga US-based Pinoy basketball enthusiasts.Las Vegas in Laron's mind..ABANGAN!!

LOWCUT- Tunay na malayo na ang narating ng unique na palaro sa basketball na Sinag Liga Asya.

Pwede nang pantapat sa pro-leagues PBA o MPBL pagdating sa teknikal na aspeto ,talento at pakulo na aatrak ng basketball fans lalo na't may live coverage sa mainstream at social media. Iyan ay dahil sa patuloy na brainstorming nina Rocky Chan at Rey Alao.Lalo na kung magiliw sila at binibigyang importansya ang mga kumokober na reporters ng tri- media.MISMO! Congrats kay Airness Alao,prolific player/ coach/ sports broadcaster..PUGAY!

Sealions’ top brass Jemuel Laron