SEGARA NG DAVAO AT CARREDO NG KYUSI DINOMINA ANG 12&14 UNDER BLITZ NG BATANG PINOY GENSAN 2025 CHESS
GENERAL SANTOS CITY- Patuloy ang pagpapakitang -giĺas sa larangan ng chess ng batang Davaoeña na si Hannah Segara matapos niyang dominahin ang blitz event ng girls 12- under chess tilt ng Batang Pinoy Gensan 2025 sa Activity Center ng Robinsons dito.
SPORTS
10/28/20251 min read


GENERAL SANTOS CITY- Patuloy ang pagpapakitang -giĺas sa larangan ng chess ng batang Davaoeña na si Hannah Segara matapos niyang dominahin ang blitz event ng girls 12- under chess tilt ng Batang Pinoy Gensan 2025 sa Activity Center ng Robinsons dito.
Si Segara na first year student ng Al Navarro High School sa Davao ay isinukbit ang gold medal matapos ang kumbinsidong panalo sa pampinaleng round at itala ang winning 5.5 points para sa kanyang prestihiyosong tagumpay sa kategoryang 12-anyos pababa.
Tampok sa kanyang tagumpay nang talunin niya sa final round ang starting rank na si Lynhar James ng Tagum City gamit ang itim na piyesa.
Ito ang ikalawang ginto ni Segara(1688) sa ka nyang murang chess career nauna dito ay gold siya. noong 2023 Batang Pinoy sa Pasay .
"Pangarap ko pong maging katulad ni ate Janelle Mae (WGM Frayna)", saad ng 12 anyos na si Segara 1st student ng AL Navarro HS, sa kanyang idolo.
Gold medalist naman sa boys 14-under blitz si Mar Aviel Carredo(2002) ng Quezon City.Silver si Aaron Aton ng Davao at bronze si Mark Lay Partosa.
Wagi din ng gold si Al-Basher Buto (1948) ng Pasig City, silver kay Keith Adriane Ilar(1919) ng Bukidnon at bronze si Paul Andrei Pentinio (1786) ng Batangas. (ENJEL MANATO)
Golden girl Hannah Segara ng Davao
Si Golden boy Mar Aviel Carredo (gitna), Aaron Aton ng Davao (Silver) at Mark Lay Partosa, bronze.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09451935742
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato
