Sen. APCayetano sa Kongreso, Pokus na sa Kabuhayan ng Pilipino

HALOS kalagitnaan na ng Agosto,di pa rin makawala ang mga mambabatas ng Upper at Lower House ng August Chamber sa issue ng impeachment ka VP Sara Duterte.

OPINION

Danny Simon

8/10/20252 min read

HALOS kalagitnaan na ng Agosto,di pa rin makawala ang mga mambabatas ng Upper at Lower House ng August Chamber sa issue ng impeachment ka VP Sara Duterte.

House of Congress ang pasimuno nito,ipinasa pero ibinaul ng Senado dahil unconstitutional ito ayon sa desisyon ng Korte Suprema.

Piyesta ang mainstream media dahil di natutulog ang balita tungkol dito lalo na iyong mga may kinikilingan at nais mapatalsik ang ibinoto ng 32 milyong Pilipino pati na ang social media na anti-Sara na mas kakomplut pa nila ang makopa,dilaw at pulahang komunista .

Hindi na sila naumay sa isyung pulitikal at kampihan ng kulay keysa sa paggawa ng batas na ikabubuhqy ng mamamayang Pilipino na ang buhay ay sobra nang lupasay.

Kaya nga si Senator Alan Peter Cayetano ay puno na at umay na umay na sa pumapailanlang sa plenaryo ang isyu ng pagpapatalsik sa isang tao na kung tutuusin ay mas marami pa ang kailangang managot sa bayan partikular ang mga nasa mababang kapulungan na pilit hinihila pababa ang pinaka- gusto ng mayoryang masa na maging susunod na Pangulo ng Sambayanang Pilipino.

Hamon ni Cayetano sa mga di mapakali habang di naninikluhod ang mortal nilang kalaban sa pampanguluhan.." Taĺunin na lang si VP. Sara sa 2028 sa isang patas na halalan o kaya i-impeach muli sa isang legal na proseso sa susunod na taon minsanan lang ayon sa Konstitusyon.

Magpokus na aniya sa mga nakatoka nilang responsibilidad bilang halal ng bayan upang sulitin at gamitin ang pera ng mamamayan sa tamang paraan at di pànsariling bulsa ang pinayayaman.

Iba talaga ang kaisipan ng tunay na statesman tulad ni Senator Alan ,ito ay nakatuon sa pagpapaunlad ng bayan at mabuti na lang ay nariyan siya sa Senado na galit sa mga nandedehado ng Pilipino.

Mabuti rin at nadagdagan ang mga kahanay niya sa Senado na mga batikang abogado upang sawatahin ang mga feeling law expert sa plenaryo at

màpigilang gamitin sila sa ka HoRroran ng mga que horror na taga HoR.

Move on na,nakabaul na ang impeachment issue,harapin ang tunay na mandato,ang kapàkanan ng taumbayan..

ABANGAN! Pilipino saludo kay Cayetano...MISMO!