SEN. BONG GO DI NAGBABAGO

GAANO man katayog ang pedestal na naaabot ni Senator Bong Go sa kasalukuyan,kapag kaharap mo siya up close ang personal, siya pa rin ang humble na lingkod -bayan na walang kaplastikan sa katawan at kunswelo niya na ang nakakasalamuha ang kababayan lalo sa oras ng serbisyo sa mamamayan.

OPINION

Danny Simon

6/17/20252 min read

GAANO man katayog ang pedestal na naaabot ni Senator Bong Go sa kasalukuyan,kapag kaharap mo siya up close ang personal, siya pa rin ang humble na lingkod -bayan na walang kaplastikan sa katawan at kunswelo niya na ang nakakasalamuha ang kababayan lalo sa oras ng serbisyo sa mamamayan.

Lalo ngayong naging topnotcher siyang senator-elect ng katatapos na midterm national/ local polls kung saan siya'y reelectionist, sobrang pasalamat niya sa tiwalang kaloob ng Pilipino kaya tiniyak niyang di siya maģbabago at susuklian pa niya ng pagmamahal at malasakit ang kaloob sa kanyang trust ng sambayanan.

Kaya nga, kahit na bakasyon ang sesyon sa Senado at pinaghahandaan pa ang pagpasok ng 20th Congress ay di uso sa kanya ang pahinga patunay ito ng pagtulong sa mga nasasalanta ng krisis na humampas sa laĺawigan kamakailan lang.Tuloy ang kanyang bantog na malasakit program kahit ngayong nasa transisyon pa lang ng mga nahalal at lilisan sa puwesto.

No dull moment kay workaholic. Sen.Bong Go.

Patunay din ng kanyang sobrang popularidad ay dinaragsa ang tanggapan niya sa Senate partikular nitong pinagdedebatehang impeachment kay VP Sara Duterte na kailangan ang kanyang presensya bilang Senator-Judge.

Personal na nasaksihan ng korner na ito ang dami ng bisita ni SBG dahil naroon ang Uppercut sa mga sandaling iyon.

Partikular ang mga bagong halal na LGU's mula sa iba't- ibang panig ng bansa para sa kanya mismo manumpa sa tungkulin.

May mga uniformed men and women na nag-antay na makadaupang- palad ang tanyag na mambabatas mula Davao.

Kahit ganoon ang sitwasyon, nananatiling masigla, composed,palabati,natural na mababang- loob at pantay sa pakikitungo at pagtanggap ng bisita si Sen.Go anumang sektor ng lipunan ang kinabibilangan na nakahahawa naman sa kanyang SBG staffs na sistematikong nairaraos ang mahalagang kaganapan para sa bulwagan ng kanyang mga panauhin.

Kaya naman sobrang kagalakan ang nararadaman ng kanyang mga bisita sa pagpapaunlak ng kanyang presyosong oras para sa napakahalagang sandali sa buhay- pulitiko ng mga halal na lingkod- bayan sa lokal na eksena.

May espesyal pa ring atensyon si SBG sa mahal niyang nasa larangan ng SPORTS.

Lagi siyang celebrity guest sa PBA games kaya naging media at crowd darling sa loob ng coliseum. Namamahagi siya ng mga bola, t-shirts, sandong panlaro, sapatos, relo atbp. Nagpapaunlak pa rin bilang panauhing sa mga opening ng mga liga sa basketball at iba pang sports festival.

Op kors sa kanyang flagship project na malasakit na naging markado sa sambayanang Pilipino.

Siya aņg kapita-pitagang si Sen.Bong Go... WALANG PAGBABAGO!