IN GOD WE TRUST
SEN. BONG GO NAGPUGAY SA WOMEN ATHLETES, TINIYAK ANG TODO SUPORTA NG SENATE COMMITTEE IN SPORTS
NAGBIGAY-PUGAY si Senator Christopher ‘ Bong ‘Go sa kagitingan ng kababaihang atleta ng bansa na nakapaghandog ng karangalan sa bansa sa international competitions nitong nakaraang taon partikular ang Asian Youth Games at Bangkok Southeast Asian Games.
SPORTS
Ni Danny Simon
3/20/20261 min read


NAGBIGAY-PUGAY si Senator Christopher ‘ Bong ‘Go sa kagitingan ng kababaihang atleta ng bansa na nakapaghandog ng karangalan sa bansa sa international competitions nitong nakaraang taon partikular ang Asian Youth Games at Bangkok Southeast Asian Games.
Bilang isa sa panauhing pandangal ng All- Women Sports Awards 2026 sa PICC kahapon na dinaliuhan din ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III bilang panauhing tagapagsalita, hinimok ng Senate Committee in Sports na si SBG na ipagpatuloy lang kabayanihan ng kababaihang atleta natin ang paghahandog ng karangalan sa bansa na siyang tagabigkis ng pagkakaisa ng bawat Pilipino.
“Saludo sa ating magigiting na atletang Pinay na namayagpag at nagreyna sa international competitions.Ako po’y handang sumuporta sa inyo at bukas ang aking tanggapan sa nais iparating partikular din ang mga susunod na batch ng Philippine Women Sports”,wika ng topnotcher Senator na ipinagmalaki rin ang kanyang pet project na National Academy of Sports ( NAS) sa Clark, Pampanga kung saan ay maraming kabataang women athletes na nag-aaral ng akademya sa sports.Tampok sa awardees sina tennis gem Alex Eala, swimmer Kayla Sanchez,Marjorie Cesar ng athletics, Annie Ramirez ng jiujitsu,Cheska Centeno ng billiards,Gilas Pilipinas womens basketball team . ph womens football at iba pang individual gold medalist sa Asian Youth at SEAGames.
Ang All Women Sports Awards 2026 ay inorganisa ng Philippine Sports Commission sa pamumuno ni Chairman Pato Gregorio at punong abalang si Commissioner Bong Coo gayundin si Commissioner Walter Torres katuwang ang Philippine Olympic Committee sa liderato ni President (Cong.) Bambol Tolentino.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
