Sen Bong Go nakadaop - palad ang OFW groups sa UK

INIMBITAHAN si Senador Christopher "Bong" Go ng grupo overseas Filipino community sa United Kingdom sa isang meet and-greet Romulo Cafe & Restaurant sa London. Binubuo ang grupo ng mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa London na nagmula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.

NEWS

Danny Simon

10/24/20231 min read

INIMBITAHAN si Senador Christopher "Bong" Go ng grupo overseas Filipino community sa United Kingdom sa isang meet and-greet Romulo Cafe & Restaurant sa London.

Binubuo ang grupo ng mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa London na nagmula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.

Ilan sa kanila ay kapwa niya Davaoeño, Ilokano, Bicolano, Ilonggo at iba pa, kabilang ang mga mula sa Filipino Muslim community.

Habang sinasaksihan ang camaraderie ng Filipino community doon, namahagi ang Senador ng mga token sa OFW leaders .

Sinabi ng Senador, unang beses pa lamang niya nakarating sa London, United Kingdom matapos isama ni Senate President Zubiri para sa makabuluhang pakikipagpulong, sa kanilang kanilang Parliament dito.

Palakasin ang relasyon ng Senado ng Pilipinas at sa counterparts nito sa Parliyamento sa UK sa pamamagitan ng serye mg diyelogo, paggawa ng polisiya sa pagpapalakas ng relasyong bilateral, pagpapatibay ng seguridad sa ekonomiya, at pagtuklas, sa areas of cooperation ng dalawang bansa.

Bilang tagapangulo ng Senate committee on health, vice chairperson ng Senate committee on migrant workers at miyembro ng Senate committee on foreign relations, ipinagmalaki ni Go ang pagsisikap ng gobyerno sa pagtataguyod ng kapakanan ng higit 200,000 OFWs sa UK, partikular sa humigit-kumulang 40,000 Filipino nurse na nagtatrabaho doon.

Sen Bong Go