SEN. BONG GO SUSUPORTAHAN ANG SPORT NA SUDOKWAN

NAGPAHAYAG ng solidong suporta si Sen. Christopher 'Bong Go' sa adhikain ng bagong tatag na Sudokwan Association, Inc. partikular ang hosting ng international event sa taong 2026.

SPORTS

Ni Danny Simon

12/22/20251 min read

NAGPAHAYAG ng solidong suporta si Sen. Christopher 'Bong Go' sa adhikain ng bagong tatag na Sudokwan Association, Inc. partikular ang hosting ng international event sa taong 2026.

Sa courtesy call ng mga atleta, coach at founding president ng Sudokwan sa bansa na si Rene Catalan kung saan ay iprinisenta nila ang mga napanalunang golds, silver at bronza sa tanggapan ni Sen.Go; Senate Committee on Sports head mula sa matagumpay nilahukan kamakailang 1st Wushu Combat World Championship sa Labu-an Malaysia.

" Definitely we will support your sport para sa bayan.Binabati ko at nagpupugay s mga naiuwi ninyong medalyang karangalan ng ating bansa.Keep fighting..laban lang at ipamalas ang lakas ng Pilipinas", wika ni Sen. Go na nangako rin nģ insentibo sa mga waging atleta.

Ang grupo ng medaĺists ay mga pioneer ding member athetes ng Sudokwan Association .

" Maraming salamat sa ating mahal na Senador Bong Go sa kanyang suporta sa ating mga atleta at ang ating adhikain sa sariling atin na larangang Sudokwan na lumawig na rin sa iba't- ibang bansa kaya nasa atin ang prebilihiyo na mag-host ng world championship dito sa Pilipinas sa taong 2026," sambìt ni Catalan, 2006 Asian Games Doha wushu gold medalist at may ari ng Catalan Fighting System sa Makati City.

Ang mga naguwi ng medalya ay sina ( Gold) Rene Catalan,Jerilen Java,Juro Andoron .(Silver) sina Brookeshield

Imperial,John Nichole Camangeg,Blessy Ruth Acosta at Edemel Catalan.( Bronze) naman si Renlyn Catalan.

Sa pagpasok ng Enero 2026 ay paghahandaan na ang national competitions ng Sudokwan na hahataw sa Pebrero at Abril na qualifying tournament sa ihu- host ng bansang World Championship sa buwan ng Mayo.

Nasa 13 bansa na ang nagpahayag ng kanilang intensyong lumahok sa global na torneo.