SEN. BONG GO,WORLD CHAMP MAGPANTAY AT GOLD MEDALIST CATALAN
SPORTS and Health ang committee na pinamumunuan ni Senator Bong Go sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso bukod sa iba pang vital na kumite ang hawak niya bilang mandato sa pagiging lingod bayan.
SPORTS
11/9/20251 min read


SPORTS and Health ang committee na pinamumunuan ni Senator Bong Go sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso bukod sa iba pang vital na kumite ang hawak niya bilang mandato sa pagiging lingod bayan.
Patok ang sports kay Senador Go dahil sobrang attatched siya sa larangan sa pagiging dating varsity player niya noong kanyang prime.
Kaya magmula sa higanteng liga ng PBA ay parati syang nanonood at sumusuporta sa liga maging sa Gilas Pilipinas ay personal niyang pinapanood ang mga laro basta may oras, pati commercial at collegiate cage leagues ay lagi siyang imbitado sa mga grand openings bilang tampok na panauhin maging sa mga sports awards ay paboritong bisita ang ating bidang senador.
At siyempre dahil mahal niya ang atletang Pilipino ay lagi siyang may malasakit tulad ng ginagawa niya sa aspeto ng kalusugan.
Nangunguna palagi ang nagtatag ng national sports academy na si SBG sa pagkilala sa mga athletes achievers tulad ng mga gold medalists sa Olympics, World, Asian Games at SEAGames kaya sila ay pinarangalan sa plenaryo tulad nina Hidilyn Diaz, Carlos Yulo , Ej Obiena maging mga team sports achievers.
Malaking dahilan ng kanyang malasakit sa sports and health kaya numero unong Senador siya nitong nakaraang halalan.
Kamakailan ay may bago tayong atletang Pinoy ang nagkampeon sa mundo sa katauhan ni Jonas Magpantay na pumantay sa tagumpay ni Efren 'The Magician' Bata Reyes.
Bagong kampeon sa mundo ng billiards si Jonas.
Si dating Asian Games wushu gold medalist Rene Catalan ay nakapag-uwi ng gold medals partikular ang best bets niya mula Catalan fighting System para sa Pilipinas. Wish nila makadaupang- palad si Sen. Go SOP para masarap namnamin ang tagumpay.
Gayundin si Magpantay, wish niya na maihandog kay Go at sa bayan ang torpeo ng tagumpay.
Ngayon ang balik sana sa Kapulungan ng ating Kongreso kaya tuloy ang sesyon after ng pananalasa ng unwanted visitor na bagyong Uwan..
ABANGAN!!!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09451935742
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato
