SEN. JINGGOY AT ANG BASKETBALL

ESPESYAL na panauhin si Sen. Jinggoy Estrada sa pagbubukas ng naiibang ligang National Universities and Colleges Athletic Association (NUCAA) sa Ynares Arena, Pasig City over the weekend.

OPINION

Danny Simon

3/3/20242 min read

ESPESYAL na panauhin si Sen. Jinggoy Estrada sa pagbubukas ng naiibang ligang National Universities and Colleges Athletic Association( NUCAA) sa Ynares Arena, Pasig City over the weekend.

Laking suwerte ng NUCAA dahil pinaunlakan ng makisig na public servant/sportsman na maging guest speaker ng naturang 'league of change' kahit sobrang higpit ng iskedyul nito 24/7 at seven days a week.

Ito'y dahil sa pagsisikap na maimbita ni deputy executive director Arlene Rodriguez ( ex-PBA coach) sa basbas ni chairman Atty. Carmelo Arcilla at executive direk Ding Andres.

Op kors kilalang lubos ni Sen. Jinggoy sina coach Arlene at ex-PBA na si Ulysses Rodriguez kaya go siya sa NUCAA at alam niyang di fly-by-night ang NUCAA.

Sen. Jinggoy Estrada

Si ex-PBA star Ulysses Rodriguez sa tipoff ng NUCAA Season 2 opening.

Special guest speaker Sen. Jinggoy Estrada with NUCAA officials.

Bilang pagmamahal din niya sa larangan ng basketball, ang pamosong star shooting guard sa STAR OLYMPICS (basketball) noong si Jinggoy ay di niya tinatanggihan ang mga kaganapan tulad ng NUCAA basta't may pahintulot ang panahon ay eentrada si Estrada dahil kinalulugod nyang nakikita ang mga batang mag-aaral na naka-uniporme at nangangarap na matupad ang kanilabg ambisyon sa hinaharap lalo sa naturang mahal niyang larangan.

Ayon sa naging Presidential son na si Sen. Jinggoy, ang sport na basketball ay tumutulong sa paghubog sa manlalaro sa aspeto ng kalusugan, disiplina, teamwork, mabuting mamamayan at goodwill ambassador ng mga tulad niyang may puso sa basketball.

Laking galak ng lahat ng nasa gusaling iyon sa Ynares lalo na ang mga kabataang estudyanteng manlalaro na nakita ang kanilang idolo up close and personal at kanilang tinandaan at isinapuso ang inspirasyonal na mensahe mula sa workaholic na Mambabatas na si Senador Jinggoy Estrada.

Ang rare opportunity na maparating si Sen.Jinggoy sa opening ng torneo ay tiyak na gagayahin ng ibang liga lalo 't may laang papremyo sa top 3 ang generosong team owner ng powerhouse San Juan Knights sa PSL at MPBL na si Senator Estrada... a'NUCAA'yo...SINUSUWERTE ? Abangan!

Lowcut: NAGPASIKLAB agad ng puwersa ang malakas na PCCR Serpent Eagles matapos na durugin ang kanilang katunggali sa juniors at seniors division para sa kanilang basal na panalo kontra Asia Tech habang umiskor din ng wagi ang SPCBA kontra St.Vincent College of Cabuyao. Ang sekreto ng PBA sa kanilang tagumpay ay ang espesyal na ugnayan nito sa mainstream media mula noon hangga ngayon mayroon nang social media. Unsolicited advice ito ng UPPERCUT kay DIREK.. para sa reaksiyon, call 09395584762.

NCAA Season 2 opening ceremony.