Senator Bong Go sa Pinoy Paris Olympians...GO FOR GOLD!
BUONG kagalakan ang nadama ng mga piling atletang Pilipino na sasabak sa paparating na Paris Olympics sa France.
Danny Simon
6/21/20241 min read


BUONG kagalakan ang nadama ng mga piling atletang Pilipino na sasabak sa paparating na Paris Olympics sa France.
Halos isang buwan na lang ay makikibaka na ang nasa 18 Olympic- bound athletes kung kaya nanguna na si Senate Committee on Sports head Senator Bong Go sa pagkaloob ng opisyal na sendoff sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission kalakip ang pabaon na pinansiyal sa mga itinuturing na bayani ng bansa sa modernong panahon sa pamamagitan ng sports.
Sa sendoff ceremony na idinaos sa Conference Room ng PSC kanina ay personal na iniabot ni Go ang tsekeng nagkakahalaga ng P500, 000 bawat Olympian sa pangunguna ni Team Philippines' flagbearer boxer Nesthy Petecio gayundin sina Olympian gymnast Carlos Yulo at boxer Carlo Paalam at iba pa.
"Athough hindi ang pera o insentibo ang prayoridad sa pakikibaka ng ating Olympians, marapat lang na meròn silang matanggap bago umalis para magamit at maiwan sa kanilang mahal sa buhay upang pag nasa laban sila ay nakapokus at walang agam- agam sa pagsungkit ng medalya para sa bayan", wika ni Go na naging tanyag na lingkod bayan dahil sa kanyang malasakit sa bayan at pagmamahal sa sports. " To all our Filipino Paris Olympics bound athletes...GO for Gold!"
Ang iba pang Paris Olympians ay sina Eumir Marcial ng boxing , pole vaulter EJ Obiena, Aleah Finnegan gymnastics,Aira Villegas ng boxing, weightlifterJohn Ceniza, Eireen Ando ng weightlifting,lifter Vanessa Sarno, Levi Jung Ruvivar ng gymnastics, Joanie Delgado ng rowing, Samantha Catantan fencing, Emma Malabuyo ng gymnastics at Hergie Bacyadan ng boxing.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato