Senatoriables who probably you don't know are into sports

Tapos na ang filing of candidacy para sa 2025 elections. Maraming kilalang sports figures na kandidato tulad ni Sen. Manny Pacquiao.

SPORTS

Atty. Ariel Inton

10/11/20241 min read

Tapos na ang filing of candidacy para sa 2025 elections. Maraming kilalang sports figures na kandidato tulad ni Sen. Manny Pacquiao. Pero may ilang kandidato na di man kasing sikat ni Pacman pagdating sa palakasan pero aktibo sa mga sports na kanilang nilaro, kinahiligan o tinutulungan. Heto ang ilang senatoriables that are into sports but probably you dont know:

1. Senator Pia Cayetano

Si Sen. Pia ay cum laude sa UP kung saan siya nagtapos ng Law. Siya ay naging varsity player ng UP Volleyball Lady Maroons na nag championn noong 1983 sa UAAP. Si Sen. Pia ay naging player din sa national volleyball team. Bukod dito ay isa siyang runner, cyclist at triathlete. Sa senado ay naging Vice Chairperson siya ng Committee on Finance kung saan isinusulong niya ang dagdag suporta para sa mga atletang Pilipino.

2. Mayor Abby Binay

Si Mayor Abby ay nagtapos ng law sa Ateneo. Bilang mayor ay sinusuportahan niya sa Makati ang mga kabataan na magaling sa golf. Ang golf ay isang napakagastos na laro at sabi nga nila ay millionaire's game. Pero sa tulong ni Olympic golfer Dottie Ardina ay nais ng mayor ng Makati na makapaghubog ng mga world class golfers na galing sa masa. Matatandaan natin na nagkaroon ng kontrobersiya sa uniporme ng mga golfer noong nakaraang Paris Olympics.

3. BenHur Abalos

Ang dating DILG secretary at mayor ng Mandaluyong ay nagtapos ng Law sa Ateneo. High school palang siya sa Don Bosco Technical College ay mahilig na siya sa sports. Pero may ibang nakahiligan si Abalos mula ng siya ay bata- Horse Racing.

Pioneer si Abalos sa horse racing sa Pilipinas. Ang unang kabayo niya ay si Dandansoy. Taong 2012 nanalo si Abalos sa Philippine Triple Crown races at noong 2015 ay nanalo bilang Breeder owner of the year.

Bagamat may iba pang puwedeng pagbatayan kung nararapat sila sa Senado ay makasisiguro tayo na dahil sa kanilang sports background ay magiging kakampi sila ng atletang Pilipino kung sakaling manalo.