Sen.Bong Go ipinagtanggol si EJ Obiena kontra doping issue
NAGPAHAYAG ng pagkadismaya si Sena- tor Christopher "Bong" Go at ipinagtanggol si Filipino pole vault gold medalist Ernest John "EJ" Obiena sa isyu ng"doping allegations na pinalutang ni Anais Lavillenie, asawa ni 2012 Olympic men's pole vault gold medalist Renaud Lavillenie.
SPORTS
Danny Simon
10/18/20231 min read


NAGPAHAYAG ng pagkadismaya si Senator Christopher "Bong" Go at ipinagtanggol si Filipino pole vault gold medalist Ernest John "EJ" Obiena sa isyu ng"doping allegations na pinalutang ni Anais Lavillenie, asawa ni 2012 Olympic men's pole vault gold medalist Renaud Lavillenie.
Bilang tagapangulo ng Senate committee on sports, sinabi ni Go na lagi niyang sinusuportahan at pinoprotektahan niya ang integridad ng mga atletang Pilipino.
Tinuran ni Go na masyadong seryoso ang alegasyon ni Anais Lavillenie laban kay EJ Obiena na nagsasabing gumamit ito ng performance enhancing substance. “This is a serious allegation against our national sports hero who happens to hold the current Asian record in pole vault," ani Go.
Malaki na ang kontribusyon ni Obiena, hindi lang sa Philippine sports, kundi sa buong mundo, at sinabi ni Go na nakatitiyak siyang si Obiena ay isang professional world-class athlete na sumusunod sa world sports standards and policies. Hinimok niya si Anais na patunayan ang kanyang akusasyon at huwag gumagawa ng alegasyon na nakasisira sa reputasyon ng isang tao sa social media.
Sa kabilang banda, pinag-iisipan ni Obiena at ng kanyang kampo ang legal na aksyon laban sa nagparatang sa kanya na gumagamit ng droga. want to remain classy and dignified on this subject. “AllI will say is I am disappointed, angry, and feel wronged by these statements," ani Obiena sa kanyang Facebook page noong Linggo, "I will let the story evolve while my team explores the many angles, including legal,"
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato