IN GOD WE TRUST

Sen.Bong Go susuporta ng todo…SUDOKWAN WORLD C’SHIP SA PILIPINAS ANG BAKBAKAN!

LARGA na ang lahat ng sistema sa pagiging punong-abala ng Pilipinas sa buwenamanong kampeonatong pang- mundial sa larangan ng Sudokwan ngayong taong 2026.

SPORTS

1/5/20261 min read

LARGA na ang lahat ng sistema sa pagiging punong-abala ng Pilipinas sa buwenamanong kampeonatong pang- mundial sa larangan ng Sudokwan ngayong taong 2026.

Ayon kay hepeng organisador ng Sudokwan First World Championship 2026 na idaraos sa bansa, simula na ngayon ang marubdob na preparasyon para sa pagdaraos ng makasaysayang kaganapang lalahukan ng mga pinakamahuhusay na sudokwan martial artists sa mundo upang makipagbakbakan para sa karangalan na sasambulat sa buwan ng Mayo ng taong kasalukuyan.

“ Sa ngayon ay nasa 15 bansa na ang kumpirmadong kalahok at inaasahang madaragdagan pa ito matapos matanggap ng mga konsernado ang ating official invitations.We are bracing for our comprehensive preparation ,we're sending communications to our counterpart federation worldwide.. go .go Sudokwan!”, wika ni Sudokwan Association, Inc. president/ founder Rene Catalan Sr. kasabay ng kanyang pasasalamat sa todo suporta ni Senate Committee on Sports head Senator Bong Go para sa dambuhalang kaganapang sasaksihan ng buong mundo .

Gayundin ay nagpupugay si Catalan sa Philippine Olympivc Comittee at Philippine Sports Commission.

Sa susunod na buwan ng Pebrero at Abril ay idaraos ang national qualifying national para sa selection na sasabak sa world championship .