SEN.PIA CAYETANO BIGAY -PUGAY SA TAGUMPAY NG FIVB MEN'S WORLD HOSTING NG 'PINAS
NGAYON pa lang ay itinuturing na ni Senator Pia Cayetano na matagumpay ang pagiging punong- abala ng Pilipinas sa pagdaraos ng makasaysayang FIVB Men's World Volleyball Championship matapos ang grandiyoso at world class na pambungad seremonya kamakalawa ng gabi sa Mall of Asia Arena.
SPORTS
Ni Danny Simon
9/13/20252 min read


NGAYON pa lang ay itinuturing na ni Senator Pia Cayetano na matagumpay ang pagiging punong- abala ng Pilipinas sa pagdaraos ng majasaysang FIVB Men's World Volleyball Championship matapos ang grandiyoso at world class na pambungad seremonya kamakalawa ng gabi sa Mall of Asia Arena.
Kanyang sinaluduhan ang lahat ng instrumental sa pagbubukas ng naturang historic world event sa bansa partikular dito ang local NSA na FIVB Men's World Volleyball Championship na pinamumunuan ng Pangulo nitong si Ramon 'Tats Suzara.
" It's not easy to be in the world stage, so you gotta hand it to everyone who contibuted to this.Of course our own local volleyball NSA was the proponent here, and then there's private sactor support,government , LGU's and fans.S o everybody made it happen" ani SPSC.
Dahilan sa personal na nasaksihan ng dating atletang lady Senator ang panimula ng makasaysayang event sa bansa, nasambit na niyang umaasenso na ang Pilipinas di lamang sa mga nakaraang tagumpay sa Olympics at iba pang international sports competitions pati na ang successful hosting ng FIBA World Cup sa basketball at ito ngang sa volleyball.
" We're moving forward,when you have other sports looking at whats happening in the Philippines, they realize that in the span of one year,we've hosted major international events, we had basketball world cup before and then we have volleyball now.Of course there's a lot of sports that we're hosting like regional championships, Asian tilts,so it sends a strong message and I'm always a believer of sports tourism as a good economic driver. So walang katalu-talo, c'mon guys let's just do more sports", ani pa ng founder ng Padel Pilipinas na si Senator Pia.
Panawagan niya sa sambayanan na suportahan ang kasalukuyang kaganapang pandaigdigan sa larangan ng palakasan sa bansa.
" Mga kababayan, halina tayo mag-support sa pag-host natin ng international event, volleyball at that and our very own Alas Pilipinas is playing. It is also an opportunity to see the world's best. From Asia nariyan ang Japan,and then nariyan ang USA,Southh American countries tampok ang Brazil at iba pa (32 teams all in all).Tena kababayan sa MoA at Smart Araneta hanggang Setyembre 28", anyaya ni Senator Pia.
SEN. PIA CAYETANO


Pinangunahan ni Pres. Bongbong Marcos ang ceremonial spike kaagapay sina PSC chairman Pato Gregorio at Philippine National Volleyball Federation (PNVF) chief 'Tats Zusara kagabi sa FIVB Men's World Volleyball Championship sa MOA Arena, Pasay City.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato