Seven teams and counting... KUMPIRMADO NA SA NUCAA

PITONG koponan na ang kumpirmadong paparada sa pag-arangkada ng National Universities and Colleges Athletic Association (NUCAA) Second Season.

SPORTS

Danny Simon

1/24/20241 min read

PITONG koponan na ang kumpirmadong paparada sa pag-arangkada ng National Universities and Colleges Athletic Association (NUCAA) Second Season .

Ayon kay NUCAA Executive Director Leonardo Andres, nangunguna sa talaan ang defending champion PCCR kasunod ang IIHIS, ICCT, SPCBA, RTU, ELECTRON at AIMS na tinatayang madaragdagan pa bago ang deadline ng team confirmation ng liga.

Photo ops ng NUCAA general meeting na pinangunahan ni Chairman Atty. Carmelo Arcilla (gitna nakaupo) sa CAB, Pasay City kamakalawa. (kuha ni Menchie Salazar)

Ang mga kinatawan ng pitong nabanggit na koponan ay dumalo kahapon sa managers, coaches, sports coordinators at league officials meeting na pinangunahan ni NUCAA Chairman / CAB Executive Director Atty. Carmelo Arcilla sa Pasay City.

Nasa pulong din sina NUCAA VP Red Dumuk,deputy Executive Director Arlene Rodriguez, Treas. Bang Tumapat at Technical official JM Bernarte.

Ang grand opening ng NUCAA Season 2 ay nakatakda sa Pebrero 2, 2024 sa Ynares Sports Arena, Pasig City.