Sharks Billiards Association inaugural season... TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON
NAGPAYANIG ang Taguig sa buwenamanong torneo ng Sharks Billiards Association (SBA) Championship matapos ungusan ang Manila sa game 5 (3-2) finals na sumargo kamakalawa ng gabi sa Sharks Arena and Sports Bar sa Tomas Morato, Quezon City.
SPORTS
Danny Simon
12/22/20241 min read


NAGPAYANIG ang Taguig sa buwenamamong torneo ng Sharks Billiards Association (SBA) Championship matapos ungusan ang Manila sa game 5 (3-2) finals na sumargo kamakalawa ng gabi sa Sharks Arena and Sports Bar sa Tomas Morato, Quezon City.
Ang tropang Taguig Stallions ay kumikig sa game 2 matapos silang madisgrasya sa game 1 ng Manila Mavericks sa kanilang bakbakang "king of the hills".
Bumalikwas ang Manila MSW Mavericks sa game 3 sharks doubles na tinapatan naman ng Taguig sa game 4 Sharks doubles upang mauwi sa rubbermatch one-on-one sa pampinaleng game 5 ng sarguhang may basbas ng Games and Amusement Board( GAB).
Tinanghal na player of the game (5) si Stallion Rodrigo 'Edgie' Geronimo sa kanyang sterling performance na 2 golden breaks, 81% win rating at 97% overall rating upang akayin ang Taguig sa makasaysayang kampeonato ng torneong inorganise ni SBA CEO/founder Hadley Mariano katuwang si SBA Marketing Director George Ho
Binubuo ang champion team nine Geronimo, Micheal Dimples Quinoy, Demosthenes Pulpul, Bryan Saguiped at Jaynard Orque.
" Team effort at suwerte na rin.Golden breaks ang susi ng aming tagumpaý malagas na katunggali," Geronimo na instrumento sa pagdurog sa Jonas "silent killer" Magpantay-led Mavericks.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato